Panukalang proyekto Flashcards
Ang pahina para sa titulo ay kailangan kung ang proposal
ay mas mahaba sa tatlong pahina. Kasama sa pahinang ito ang
titulo ng proyekto, pangalan ng nagpapanukalang organisasyon,
lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang
pinaglalaanan ng panukala.
I. Titulo ng proyekto
Idagdag ang pahina ng nilalaman kung ang proposal ay aabot
ng 10 o higit pang pahina. Mahalaga ang pahinang ito upang
madaling mahanap ang mga bahagi ng proposal. Naglalaman ito ng
titulo ng bawat seksyon at ang panimulang pahina ng mga ito.
II. Nilalaman
Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala. Inaasahang
makikita sa abstrak ang pagtakalay sa suliranin, layunin,
organisasyon na responsable sa implementasyon, pangunahing
aktibidad ng proyekto at ang kabuoang badyet. Ginagawa ang
abstrak upang magkaroon ng buod ang buong panukala at mabigyan
ng masaklaw na pagtingin ang nagbabasa nito. Tiyaking maikli
lamang ang abstrak na ihahanda.
III. Abstrak
Ang bahaging ito ay naglalaman ng sanligang sosyal,
ekonomiko, politikal at kultural ng panukalang proyekto.
Naglalaman ito ng mga kaugnay na datos mula sa mga
pananaliksik na naitala mula sa pagpaplano sa proyekto, o ng mga
datos na nakakolekta mula sa iba’t ibang mga sors.
IV. Konteksto
Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Nahahati ito sa apat na
sub-seksyon
V. KATWIRAN NG PROYEKTO
Pagpapahayag ng Suliranin
Prayoridad na pangangailangan
Interbensyon
Mag-iimplementang Organisasyon
Tinatalakay sa bahaging ito
ang tiyak na suliraning pinagtutuonang solusyunan ng panukala.
Binibigyang empasis sa bahaging ito kung papaanong ang isang
isyu o sitwasyon ay nagiging suliranin. Kaugnay nito,
pinatutunayan din sa bahaging ito kung ano ang
pangangailangan ng mga benepisyo batay sa nakitang suliranin.
Pagpapahayag ng Suliranin
Pinagtutuonan ng
bahaging ito ang pagpapaliwanag sa pangangailangan ng mga
target na makikinabang dahil sa pagkakataon ng suliranin.
Ipinaliliwanag din sa bahaging ito kung paano napagdesisyunan
ang mga isasaad ng pangangailangan.
Prayoridad na pangangailangan
Ilalarawan sa bahaging ito ang estratehiyang
napili kung papaano sosolusyonan ang suliranin at gayon din
tatalakayin kung paanong magdadala ng pagbabago ang
gagawing hakbang.
Interbensyon
Sa bahaging ito,
ilalarawan ang kakayahan ng nagpapanukalang organisasyon
upang tugunan ang suliraning inilahad. Isinasama sa seksyong ito
ang mga nakaraang record ng kapasidad sa pagresolba ng mga
suliranin. Ihahayag dito kung bakit sila ang pinakakarapat-dapat
upang pagkatiwalaang solusyunan ang suliranin. Binibigyangempasis din nito ang eksperto ng organisasyon o ng indibidwal na
magsasagawa sa proyekto
Mag-iimplementang Organisasyon
Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng
panukalang proyekto. Kaugnay ng layong ito, iisa-isahin din ang
mga tiyak na layuning nais makamit ng panukala.
Tandaan na sa pagbuo ng isang layunin, ikinokonsidera
ang mga sumusunod:
1. Dapat isa lamang ang masaklaw na layunin ng panukala.
2. Dapat na konektado ang masaklaw na layunin na bisyon ng
pagpapaunlad o pagpapabuti; at
3. Dapat napatutunayan ang merito ng kontribusyon ng layon
sa bisyon.
Layunin
Ipakikita sa bahaging ito kung sino ang mga makikinabang
sa panukalang proyekto at kung paano sila makikinabang dito.
Isasama rito ang detalyadong deskripsiyon ng laki at katangian
ng mga benepisyaryo. Sa pagtukoy sa mga katangiang ito,
maaaring gamitan ng kriterya tulad ng etnisidad, edad, kasarian
at iba pa.
Target na Benepisyaryo
Ipakikita sa bahaging ito ang iskedyul at alokasyon ng
resorses. Mahalagang maipakita rito kung sino ang gagawa sa
mga aktibidad, kailan at saan ito gagawin. Mahahati sa dalawang
sub-seksyon ang bahaging ito
Implementasyon ng Proyekto
Iskedyul
Alokasyon
Badget.
Pagmonitor at Ebalwasyon
Pangasiwaan at tauhan
Mga Lakip
Ang detalye ng mga plinanong aktibidad ay dapat
maipakita. Magagamit ang mga talahanayan at Gantt Chart na
nagpapakita ng mga ito.
Iskedyul
Ipakikita dito ang mga kakailanganin upang
isagawa ang mga aktibidad ayon sa iskedyul. Tinutukoy sa
bahaging ito ang iba’t ibang kategorya ng gastusin upang
magkaroon ng buod ng impormasyon ukol sa gastusin na
kakailanganin para sa pagba-badget. Halimbawa ng mga aytem
sa bahaging ito ang mga kagamitan, sahod, at mula rito’y
maiuugnay ang yunit, bilang, presyo at iba pa.
Alokasyon
Ito ang buod ng mga gastusin at kikitain ng
panukalang proyekto. Sa presentasyon nito, maaaring gumamit
ng ano mang format na makapagpapakita ng maliwanag at
maayos na daloy ng mga datos na may kinalaman sa gastusin o
expenses, at kita o income. Ipakita sa magkaibang sub-seksyon
ang dalawang bahaging ito.
Badget.