Gabay sa pagkatuto 2 Flashcards

1
Q

➢ isang pinaikling bersyon ng isang orihinal na
teksto, o paglalagom ng mga impormasyon,
detalye o mga pangyayari mula sa materyal o
pinanggalingan ng mga impormasyon.
➢ Ito ay nagpapahayag ng mga pangunahing
punto na madalas na ginagawa sa obhetibong
paraan at gamit ang sariling pananalita ng
manunulat; ngunit dito ay marapat na nananatili
ang diwa at mahahalagang detalye ng orihinal
na pinanggalingan.

A

Buod

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA BUOD

A
  • May pokus o pangunahing tuon
    Obhetibo
    Napapanatili ang orihinal na mensahe gamit ang sariling pananalita
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

MGA KINAKAILANGAN SA PAGSULAT NG BUOD
Ayon kina Swales at Feat (1994)

A
  1. Kailangan ang isang buod ay tumatalakay sa kabuoan ng
    orihinal na teksto.
    2, Kailangang nailalahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral
    o walang kinikilingan.
  2. Kailangan ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at
    naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Hakbang sa pagbubuod

A
  1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga
    mahahalagang punto o detalye.
  2. Ilista o igrupo ang mga pangunahing ideya, ang mga
    katulong na ideya at ang pangunahing paliwanag sa bawat
    ideya.
    * Pangunahing ideya/paksa/kaisipan
    * Pantulong na kaisipan/detalye
  3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunod-sunod ng
    mga ideya sa lohikal na paraan.
  4. Kung gumagamit ng unang panauhan
  5. Isulat ang buod
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

➢ mula sa salitang Griyego na ”syntithenai” na sa
Ingles ay put together o combine (Harper, 2016).
syn = kasama, magkasama
tithenai = ilagay, sama-samang ilagay
➢ paraan ng paglalagom na tumutukoy
sa pinagsama-samang mga impormasyon, mga
akda, punto, at argumento na nakapagbibigay
kaalaman at makahihikayat sa pinapanindigang
punto de bista hinggil sa isang paksa.

A

Sintesis

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Anyo ng Sintesis

A
  1. Nagpapaliwanag o explanatory synthesis
  2. Argumentatibo o argumentative syntheis
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ito ang
pagbibigay linaw sa paksa sa pamamagitan ng pagbibigay
deskripsiyon o paglalarawan sa paksa upang maibigay ang
mas malinaw na kaisipan.

A

Nagpapaliwanag o explanatory synthesis

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ito ang
paglalahad ng mga makatotohanang impormasyon mula sa
iba’t ibang sors sa paraang lohikal upang suportahan at ilahad
ang pananaw o punto ng may akda.

A

Argumentatibo o Argumentative synthesis

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Uri ng Sintesis

A
  • Background Sintesis
  • Thesis-driven Sintesis
  • Sins para sa Literatura
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

A

Bago Sumulat
2. 1. Tukuyin at Linawin ang Layunin sa Pagsulat
2. Piliin ang Sangguniang Aangkop sa Layunin
3. Basahin at Unawain ang mga Sanggunian
4. Kunin ng organisado ang mga tala sa bawat pinaghanguan ng impormasyon.
5. Buoin ang Tesis ng Sulatin (Thesis-Driven Sintesis)
6. Tukuyin ang mga kaugnayan na konsepto at pansuportang mapagkukunan.
7. Isaayos ang tala
8. Ayusin ang mga konsepto sa isang balangkas.
Habang sumusulat
9. Isulat ang burador
10. Ilista ang mga sanggunian
11. Rebisahin ang Sintesis.
Pagtapos Sumulat
12. Isulat ang Pinal na Sulatin.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Iba’t Ibang uri ng Sitasyon o Pagsisipi (Mga Pangunahing
Ginagamit

A
  1. Ang APA (American Psychological Asspciation)
    -Naratibong Sitasyon
    -Sitasying Perentetikal
  2. Ang MLA (Modern Language Association)
  3. Ang CMS (Chicago Manual of Style)
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

kapag ang
pangalan ng awtor at petsa ng publikasyon ay nakapaloob
mismo sa teksto. Ang sitasyon na ito ay makikita sa unahan o
gitnang bahagi ng pangungusap.

A

Naratibong Sitasyon (Narrative in-text citation)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q
  • isinasagawa sa
    pamamagitan ng paglalagay ng mga impormasyong bibliyograpikal sa loob ng parenthesis na nasa teksto mismo. Ang sitasyon na ito ay makikita naman sa dulong bahagi ng
    pangungusap.
A

Sitasyong Parentetikal(Parenthetical citation)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Iba’t ibang teknik sa pagbuo ng sinteis

A
  • pagbibigay halimbawa o ilustrasyon
  • strawman technique
  • pagbubuod
  • pagdadahilan
  • komparison at contrast
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Pinakamadaling paraan ng pagsulat ng sintesis kung saan nilalagom lamang ang mga impormasyon
sa sanggunian

A

Pagbubuod

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Tinutukoy dito ang
partikular na halimbawa o ilustrasyong ginamit sa sanggunian.
Sa paglalahad nito ay inilalagay kung sino ang nagsabi at
saan nanggaling ang impormasyon.

A

Pagbibigay halimbawa o ilustrasyon

17
Q

Sa pagsulat nito ay iniisa-isa ang dahilan kung bakit totoo at mahalaga ang nailahad na tesis. Sa bahaging ito ay inilalahad ang mga impormasyong nagpapatibay sa iniharap na paniniwala.

A

Pagdadahilan

18
Q

ito ay paraan o teknik kung
saan binibigyang-diin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
dalawa o higit pang kaisipan o ideya ukol sa paksa

A

Komparison at Contrast

19
Q

Ito ay isang di pangkaraniwang
teknik kung saan nagbibigay ang manunulat ng argumentong
kontra tesis ngunit sinusundan agad ito ng pagbibigay kahinaan ng nasabing argumento. Sa bahaging ito ay napapawalang-saysay ang nilahad na kontra-tesis

A

Strawman Technique

20
Q

➢.Kadalasang nakikita sa unahang bahagi ng talata o sa
huling bahagi ng talata.
➢ Nagpahahayag ng isang buong kaisipan sa isang talata;
naipahahayag ito sa pamamagitan ng isang
pangungusap.

A

pangunahing tema/punto sa talata o paksa.

21
Q

➢ nagtataglay ng mahahalagang impormasyon/detalye na
sumusuporta sa pangunahing kaisipan.
➢ mga pangungusap na nagtataglay o nagbibigay-paliwanag
sa isinasaad ng pangunahing kaisipan o ideya.

A

Pantulong na kaisipan (PNK)

22
Q

Ito ang pagsasama-sama ng
mga sanligang impormasyon ukol sa paksa, at karaniwan
itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.

A

Background Sintesis.

23
Q

Ito ay halos katulad ng background
synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng
pagpapakilala at paglalahad ng paksa, ito ay nagbibigay ng malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.

A

Thesis-driven Sintesis

24
Q

Ito ang pagbabalik-tanaw
o pagrebyu sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa.
Karaniwang isinaayos ang sulatin batay sa mga sanggunian
ngunit maaari rin namang ayusin ito batay sa paksa, at ito ay
may pagsusuri mula sa manunulat o mananaliksik.

A

Sintesis para sa literatura

25
Q

ang madalas na ginagamit na estilo sa akademikong pagsulat
dahil madalas na tumutukoy sa mga paksang panlipunan
(social science) at teknikal. Mas pinahahalagahan nitong estilo
ang petsa, at sa kasalukuyan, ang ginagamit na ay ang ____
7th Edition (2020)

A

Ang APA (American Psychological Asspciation)

26
Q

ay may pokus sa
awtor, at malimit na ginagamit sa mga paksa o kursong may
kaugnayan sa lenggwahe at humanities.

A

Ang MLA (Modern Language Association)

27
Q

ay malimit na sa mga
paksa o kursong may kaugnayan sa Kasaysayan dahil
pinahahalagahan ng lubos ang pinagmulan ng ideya o
impormasyon. Madalas ito na may footnote o endnote.

A

Ang CMS (Chicago Manual of Style)

28
Q

paglalahad ng sanggunian sa loob ng
pangungusap o sa loob mismo ng teksto.

A

In-text citation