Gabay sa pagkatuto 1 Flashcards

1
Q

ay isa sa mga makrong kasanayan na
gumagamit ng mga simbolo (mga titik, bantas
at espasyo) upang maiparating ang mga
kaisipan at ideya sa isang nababasa at
nauunawaang uri.

A

Pagsulat

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Wastong Pamamaraan ng
Pagsulat

A

(1) tamang paggamit ng malaki at maliit na titik
(capitalization),
(2) tamang baybay,
(3) tamang paggamit ng bantas sa pagbuo ng
talata, at ang
(4) masining at obhetibong paghabi ng mga
kaisipan upang makabuo ng isang epektibong
sulatin.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Mainam na ang manunulat ay
may:

A
  1. Kasanayan sa Pampag-iisip.
  2. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin.
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Mga uri ng pagsulat

A

Pormal at di-pormal na pagsulat

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

. Ito ang karaniwang
ginagamit sa pagbibigay impormasyon,
paglalahad ng isyu na may basehan, at
pananaliksik na ang tono ng pagsulat ay pormal
o seryoso kaya piling-pili ang salitang ginagamit
dito. Ang pagpapahayag din ay nasa ikatlong
panauhan, at mahigpit na sinusunod ang
proseso upang magkaroon ng malinaw na daloy
ang kaisipan mula sa paksa hanggang sa mga
detalye nito.

A

Pormal na Pagsulat

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ito ang karaniwang
ginagamit sa mga kwento at mga sanaysay na
karaniwan at personal ang paksa kaya parang
nakikipag-usap lamang ang manunulat nito.
Magaan din ang tono at pananalita nito na
madalas na inilalabas ang pagkamalikhain ng
manunulat at naglalayong makapagbigay-aliw

A

Di-pormal na Pagsulat

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Uri ng pagsulat ayon sa gamit

A

Teknikal
propesyonal
reperensyal
Dyornalistik
Malikhain

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ito ay isang uri ng sulatin na may
partikular na paksa na nangangailangan ng
direksyon, pagtuturo, o pagpapaliwanag. Ito
ay madalas na ginagamitan ng teknikal na
terminolohiya at nakatuon sa espisipikong
audience o pangkat ng mga mambabasa.
Halimbawa: Feasibility Study, User’s
manual, Project Proposal at mga
Korespondensyang Pampangangalakal.

A

Teknikal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Tulad ng teknikal na
pagsulat/sulatin, ito ay may partikular na paksa
at ginagamitan ng teknikal na terminolohiya dahil
sa ang sulating ito ay ginagawa lamang ng mga
nasa tiyak na propesyon o larangan, at ang mga
propesyonal lamang ang maaaring sumulat at
magsagawa nito. Bilang paghahanda, ang mga
mag-aaral sa ganitong larangan ay hinuhubog
upang maging dalubhasa rito.
Halimbawa: Medical Report ng mga nars at
doktor, Police report ng mga police, at Legal
Forms ng mga abogado.

A

Propesyonal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

. Ito ang uri ng sulatin na
nakatuon sa pagbibigay impormasyon at
pagsusuri sa paksa. Upang maging wasto,
tumpak, at makatotohanan, tinutukoy ng
manunulat ang pinaghanguan ng iba’t ibang sors
o reperens gamit ang pagtatalang parentetikal,
talababa, endnotes at marami pang iba na
ginamit sa sulatin.
Halimbawa: Pamanahong Papel, Disertasyon at
Interbyu.

A

Reperensyal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Ito ay madalas na sinusulat sa
iba’t ibang pormat ng media upang mag-ulat ng
mga importante at detalyadong impormasyon
tungkol sa mga iba’t ibang pangyayari sa loob at
labas ng isang bansa. Ang mga journalist o
mamamahayag ang malimit na gumagawa nito.
Halimbawa: Balita, Editoryal, at Kolum o
Lathalain sa magasin.

A

Dyornalistik

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Ito ang mga sulating nasa
larangan ng literatura na uri ng panitikan at
lumalabas sa mga hangganan ng propesyonal,
jornalistik (pamamahayag), o teknikal na
pagsulat/sulatin. Maaaring ito ay di-piksyonal
(batay sa katotohanan) o piksyonal (mula sa
imahinasyon ang mga pangyayari at tauhan).
Halimbawa: Tula, Dula, at Nobela

A

Malikhain

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ay ang anumang isinulat ng isang may akda
na maaaring isang mensahe, direksyon o
resipe.
➢ Ito ay maaaring mula sa ilang mga salita o
mga talata, ngunit para maging malinaw,
maayos, at kaaya-aya ay kailangan na:
(1) wasto ang pagpili ng tamang salita
(bokabularyo)
(2) mayroong lohikal na daloy ng mga kaisipan
(3) mayroong pagkakaisa ang mga bahagi at
istruktura ng isang _______

A

Teksto

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Uri ng teksto

A

Tekstong Deskriptibo
Impormatibo/Ekspositori
Naratibo
Argumentatibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Ito ay naglalayong
makabuo ng malinaw na larawan sa isip ng
mambabasa o tagapakinig kaya kinakailangan
ang paggamit ng mga salitang nagbibigay-kulay,
tunog, galaw, at iba pang kauri nito (madalas
itong tinatawag na masining na paglalarawan).
Maaari din itong maisagawa sa pagbibigay
katangian sa paksa o pinag-uusapan (tinatawag
naman ito na karaniwang paglalarawan). Ilan sa
mga sulatin dito ang mga sulating pampanitikan,
suring-basa, obserbasyon na sanaysay, at iba
pa.

A

Tekstong Deskriptibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Ito ang
paglalahad, pagpapahayag at pagbibigay
kaalaman, kabatiran sa mga pangyayari, bagay,
lugar o kapwa-tao. Ito ay madalas na
nagbibigay-linaw upang lubos na maunawaan
ng may interes ang isang paksa. Ilan sa mga
sulatin na kabilang dito ay ang mga aklat,
pananaliksik, lab report, business report, balita,
at iba pa.

A

Tekstong Ekspositori/Impormatibo

17
Q

Ito ang pagsasalaysay o
pagkukwento ng mga magkakaugnay o sunodsunod na pangyayari na maaaring totoo o
likhang isip ng mga sariling karanasan o
pangyayaring nabasa, nakita, napanood,
napakinggan o nabalitaan. Ilan sa mga sulatin
dito ang mga sulating pampanitikan,
talambuhay, maikling kuwento, pabula at iba pa.

A

Tekstong Naratibo

18
Q

Ito ang
pangangatwiran at di-mapapasubaling
pagsisiwalat ng prinsipyo o paninindigan kalakip
ang mga ebidensya mula personal na
karanasan, kasaysayan, resulta ng pananaliksik
o pag-aaral. Ang madalas na layunin nito ay
mahikayat na pumanig o sumang-ayon ang
mambabasa sa paniniwala ng manunulat. Ilan
sa mga sulatin na kabilang dito ay ang editoryal,
talumpati, at marami pang iba.

A

Tekstong Argumentatibo

19
Q

GABAY O PORMAT SA PAGSASAGAWA NG
ISANG SULATIN

A

Bago Sumulat:
Bumuo ng komprehensibong paksa
Tiyakin ang layunin ng pagsulat
Ilapat ang naaayong paraan ng pagsulat.
Mangalap ng kakailanganing
impormasyon.
Bumuo ng balangkas

Habang Sumusulat:
Bumuo ng burador
- panimula, gitna, wakas
Wastuhin ang burador

Pagkatapos sumulat
Isualat ang pinal na sulatin
Ilathala ang sulatin

20
Q

Narito ang iba pang dapat isaalang-alang sa
pangangalap ng impormasyon:

A

May katotohanan, kawastuhan, at
katumpakan ang Impormasyon.
May layunin at nilalayon na madla.
Obhetibo.
Napapanahon

21
Q

Dalawang pangunahing uri ng balangkas

A

Balangkas na papaksa
Balangkas na pangungusap

22
Q

Ito ay isang masinop at sistematikong
pagsulat ukol sa isang karanasang
panlipunan na maaring maging batayan ng
marami pang pag-aaral na magagamit sa
ikatataguyod ng lipunan.
➢ Ito ay isinasagawa sa isang akademikong
institusyon kung saan kinakailangan ang
mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
Layunin nito ang magbigay ng makabuluhang
impormasyon sa halip na manlibang lamang

A

Akademikong pagsulat

23
Q

Kalikasan ng Akademikong

Sulatin

Ang mga kalikasan ng pagsulat na dapat
pakaisipin, batay kay

A

Fulwiler at Hayakawa
(2003)
walang pagkiling o obhetibo;
* balanse sa paglalapat ng impormasyon;
* nasasalamin ang katotohanan sa mga datos
(balido at gumagamit ng angkop at wastong
metodo); at
* may mapagkakatiwalaang katibayan o
ebidensya.

24
Q

Katangian ng Akademikong
Sulatin

A
  • pormal
  • mapananaligan
  • obhetibo
  • orihinal
  • tumpak
  • malinaw
25
Q

never back down, never what?

A

NEVER GIVE UP!!!