Panukalang proyekto Flashcards
Ayon kay___________ ang mga panukala ng
proyekto ay nakatuon sa kung paano mapakikilos ang
pamamahala ng isang ideya. Ito ay nangangailangan ng gabay o
template na maaaring sundan sa maagang pagsisimula upang
hindi maging mahirap ang pagsasagawa ng proyekto.
Ben Mulholland(2021),
Ayon naman kay ________________, ang panukalang proyekto ay
detalyadong deskripsiyon ng isang serye ng mga aktibidad na
naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema
Nebiu (2002)
Ang isang panukalang proyekto ay kadalasang nakasulat; minsan ito ay sa anyong oral na presentasyon, o kaya ay kombinasyon ng mga ito. Maaari itong:
internal o yaong inihahain sa loob ng kinabibilangang
organisasyon o,
eksternal na isang panukala para sa organisasyong dikinabibilangan ng proponent.
Ang isang panukalang proyektong
isinasagawa dahil may pabatid ang isang organisasyon sa
kanilang pangangailangan ng isang proposal
Solicited Proposal (invited)
kung wala naman at kusa o
nagbaka-sakali lamang ang proponent.
Unsolicited (prospecting)
Maliban sa mga uri ng panukalang proyekto, mayroon ding
tinatawag na maikli at mahabang panukalang proyekto
● maikling proyekto ay mayroon lamang dalawa hanggang 10
pahina na kadalasan ay nasa anyong liham lamang.
● mahabang bersyon ay naglalaman ng mahigit sa sampung
pahina.
Binalangkas ni _____________ sa kanyang aklat na Developing
Skills of NGO’s Project Proposal Writing (2002) ang mga hakbang na
kailangang isagawa ng isang indibidwal o organisasyong nagnanais
gumawa ng isang panukalang proyekto
Besim Nebiu
Sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa dati at
inaasahang benepisyo, magkakaroon ng mas malinaw na pagtingin
sa aktuwal nilang pangangailangan. Makatutulong ito upang maging
mas tiyak at makatotohanan sa mga detalye ng susulating panukala.
Nagkakaroon din ng mas malalim na pag-unawa sa suliranin kung
nakausap ng personal ang mga taong kaugnay ng proyektong nais
gawin
Pag-interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng
benepisyo.
Sa pamamagitan nito, mabibigyang-kamalayan sa mga naging
pagkakamali ng mga nauna nang panukala. Dahil dito, mapabubuti
ng susunod na panukalang proyekto na nabigyan na ng pansin ng
isang granting organization. Kadalasan kasi, ang mga panukalang
nauulit lamang ay hindi na binibigyan ng prayoridad sa mga
aaprubahang panukala.
Pagbabalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto
Mabibigyan ng tamang datos kung titingnang muli ang ebalwasyon
ng mga nakalipas na proyekto. Upang hindi magkamali, o malito,
balikang muli ang mga ulat sa mga proyektong iniharap sa
organisasyon pinagpapanukalaan.
Pagbalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon sa proyekto
. Mapatataas ang kredibilidad ng
panukala kung ikinonsulta ang mga ito sa mga eskperto. Ang
kontribusyon mula sa mga eskperto ay makapagbibigay bigat sa
halaga ng panukala.
. Pagkonsulta sa mga eksperto
Mangalap ng
preliminaryong impormasyon at datos para ipakita ang komitment
at dedikasyon sa panukalang proyekto. Tiyaking sapat ang mga ito
upang mabigyang linaw nito ang tunguhin ng panukala. Malaking
tulong din ang mga preliminaryong datos upang mapabuti ang
layunin ng isang panukalang proyekto.
Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa.
Maging sigurado sa mga
datos na ibibigay. Huwag hayaang ibang tao pa ang makadiskubre
sa mga kamalian sa mga estadistika at datos na inilahad. Sikaping
ibalido ang anomang datos na ginamit sa proposal.
Pagtingin sa mga datos estadistika
Tiyakin lamang na ang
mga taong magiging bahagi ng proyekto ay may pagnanais na
makisangkot at mag-ambag. Magiging malaking suliranin kung
walang pakikibahagi mula sa kanila.
Pag-organisa ng mga focus group.
Makukuha ang kooperasyon ng komunidad kung mayroong
tuwirang pagsangkot sa kanila.
Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad
Maliban sa mga dapat gawin bago ang pagsulat ng panukalang
proyekto, ayon sa , kailangan ding
gawin o isaalang-alang ang mga sumusunod:
American Red Cross (2006)
Wala pa ring kasinghalaga ang
sapat na oras sa pagpaplano sa isang panukalang proyekto.
Kung maagap ang pagplano, binibigyang pagkakataon ng
nagsasagawa nito na makausap ang mga stakeholder,
matalakay ang kanilang pangangailangan, at masuri ang
panukalang proyekto nang may sapat na oras.
Magplano nang maagap
Kung may kasama
sa panukala, makabubuting bigyan ng tungkulin ang bawat isa
upang maging kolaboratibo ang paghahanda. Mabibigyan din nito
ang bawat isa ng pagkakataong maging aktibo sa pakikilahok sa
bawat gawain sa proseso ng pagpaplano at pagsulat ng
panukalang proyekto.
Gawin ang pagpaplano nang pangkatan