Gabay sa pagkatuto 3 Flashcards
-naglalayong magbigay ng pagsusuri o puna sa isang akda o anumang likhang sining. Madalas itong ginagawa sa mga kwento, tula, sanaysay, artikulo, talumpati, pananaliksik, at pelikula, awit.
-nag-uumpisa ang ganitong pagsusuri sakritikal na pagbasa. Upang hindi makaligtaan,gumagawa ng isang talahabang binabasa o tinitingnan ito. Nakatutulong din ang pagtatalaupangagad na makita at mapag-isipanang mga pangunahing tema o ideya, pati na rin angmga bagay na nakaiintriga, palaisipan, nakagaganyak, o nakaiirita.
Rebyu
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Rebyu
1.Tukuying mabuti anggenreo kung anong uri ng katha ang ginagawan ng pagsusuri.
2.Basahin o panoorin ang buong nilalaman ng katha at gawan ng isang pagbubuod o lagom.Ang buod na gagawin ay ‘di kailangang napakahaba at hindi na dapat idagdag ang ‘di kinakailangang impormasyon.
3.Paglaanan din ng pokus ang estilo o paraan ng pagkakalahad ng akda.
4.Maglaan din ng angkop na pagbibigay-kahulugan sa akda bukod sa paglalahad ng kahinaan at kalakasan nito.
5.Gumamit din ng mga pagsisipi o paglalahad ng mga kilalang pahayag at ibigay ang katuturan nito upang lalong makapagbibigay kahalagahan sa ginagawang pagsusuri.
6.Huwag magbigay ng konklusyon o anumang kapasyahan nang walang sapat na pag-aaral o pinagbatayan.
7.Marapat na maging arbitraryo ang maging pagpapasya sa anumang katha ngunit maari ring idagdag ang matapat na kritik ng ilang manunulat upang lalong makapagbigay kaalaman sa mga mambabasa.
Mga gabay na dapat tandaan sa pagsusuri ng isang katha ni
Arrogante (2000)
MGA BAHAGI SA PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO:
1.Tauhan
2.Tagpuan
3.Banghay
4.Tunggalian
5.Magandang Kaisipan o Pahayag
6. Uri ng Maikling Kwento
7.Bisang Pandamdamin
8.Bisang Pangkaisipan
9. Bisang Pangkaasalan
Sa kanila nakasentro/nakapokus ang kwento. Sila ang gumaganap at nagbibigay-buhay sa kwento.
Tauhan
Lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang pangyayari
Tagpuan
Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Banghay
Limang bahagi ng banghay
1.Panimula
2.Papataas na aksyon
3.Kasukdulan
4.Kakalasan
5.Wakas
Dito ipinakikilala o inilalarawan ang mga tauhan at tagpuan.
Panimula
Panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento. Dito ipinakikilala ang mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.
Papataas na aksyon
Nangyayari dito ang pinakanakasasabik na bahagi ng kwento
Kasukdulan
Dito ay unti-unti nang naaayos ang problema.
Kakalasan
Katapusan ng kwento kung saan malalaman kung naging masaya o malungkot ang wakas.
Wakas
Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kapana-panabik ang mga pangyayari. Ito ang pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga problemang kahaharapin sa sarili, kapwa o kalikasan.
Tunggalian
Apat na Uri ng Tunggalian
1.Tao laban sa sarili
2.Tao laban sa tao
3. Tao laban sa lipunan (Noli Me Tangere)
4.Tao laban sa kalikasan
Ito ay isang uri ng tunggalian na panloob dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan. Sa tunggalian na ito ay kalaban ng pangunahing tauhan ang kaniyang sarili. Nakikita o napapansin ito kapag ang pangunahing tauhan ay nahihirapan sa pagdedesisyon, sa tama ba o mali.
Tao laban sa sarili
Sa tunggalian na ito, ang kalaban ng pangunahing tauhan ay isa pang tauhan. Ito ang klasikong bida laban sa kontrabida na eksena.
Tao laban sa tao
Ang katunggali ng tauhan ay hindi lamang isa o dalawa kundi ang kaniyang lipunan. Ang mga pamantayan ng lipunan, kawalang hustisya, na maging pamahalaan at batas ay hinahamon niya.
Tao laban sa lipunan
Sa tunggalian naman na ito, ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan.
*Halimbawa, ang biglaang pagputok ng bulkan na maaaring maglagay sa pangunahing tauhan sa panganib.
Tao laban sa kalikasan
Mensahe ng kwento sa mambabasa.
Kaisipan
Uri ng maikling kwento
- Kwento ng Tauhan o Pagkatao
- Kwento ng Katutubong Kulay
- Kwentong Bayan
- Kwento ng Kababalaghan
- Kwento ng Katatakutan
- Kwento ng Madulang Pangyayari
- Kwento ng Pakikipagsapalaran
- Kwento ng Kaisipan o Sikolohiko
- Kwento ng Katatawanan
- Kwento ng Pag-ibig
Nangingibabaw sa kuwentong ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng pangunahing tauhan.
Kwento ng Tauhan o Pagkatao
Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay o hanapbuhay, paniniwala at pag-uugali ng mga tao sa nasabing lugar.
Kwento ng Katutubong Kulay
Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
Kwentong Bayan
Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
Kwento ng Kababalaghan
Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
Kwento ng Katatakutan
Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Kwento ng Madulang Pangyayari
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.
Kwento ng Pakikipagsapalaran
Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
Kwento ng Kaisipan o Sikolohiko
Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.
Kwento ng Katatawanan
Ang diwa ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
Kwento ng Pag-ibig
Tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
Bisang Pandamdamin
Tungkol naman ito sa pagbabago sa isang kaisipan dahilan sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.
Bisang Pangkaisipan
May kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.
Bisang Pangkaasalan