PANITIKAN SA FILIPINO Flashcards
Ang mga sumusunod ay mahalaga sa pag-aaral ng panitikan MALIBAN sa?
a. Makilala ang sariling kalinangan
b. Matanto ang kahusayan ng ating panitikan
c. Upang lubusang makikilala at maipadama ang pagiging Pilipino
d. May kakayahang bumoto tuwing eleksyon
d. May kakayahang bumoto tuwing eleksyon
Tumatalakay ito sa pakikipagsapalaran ng mga Griyego noong kanilang kapanahunan
Illiad at Oddyssey
Tula na may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw.
Balad
Tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.
a. Balagtasan c. Bukanegan
b. Crisotan d. Lahat
d. Lahat
Inilalahad sa akdang ito ang ugaling pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga taga-Silangan.
Isang Libo’t Isang Gabi
Ang mga sumusunod ay uri ng tulang liriko, alin ang HINDI?
a. dalit, awiting bayan, elehiya
b. awiting bayan, soneto, pastoral
c. parsa, saynete, balagtasan
d. oda, pastoral, soneto
c. parsa, saynete, balagtasan
Kauna-unahang nagsalin sa tagalog ng Noli Me Tangere?
Pascual Poblete
Kauna-unahang nagsalin sa tagalog ng Mi Ultimo Adios?
Andres Bonifacio
Akda ni M. H. Del Pilar na may kahawig sa katesismo?
a. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
b. Caiingat Kayo
c. Dupluhan…Dalit…at mga Bugtong
d. Dasalan at Tocsohan
d. Dasalan at Tocsohan
Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga progandista. Alin ang HINDI?
a. Graciano Lopez Jaena, Pascual Poblete, Pedro Paterno
b. Jose Rizal, Mariano Ponce, Marcelo H. del Pilar
c. Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, Mariano Ponce
d. Pedro Serrano Laktaw, Jose Palma, Emilio Jacinto
d. Pedro Serrano Laktaw, Jose Palma, Emilio Jacinto
Ipinalalagay na kauna-unahang nobelang panlipunan sa Wikang Kastila.
Ninay
Tinagurian din siyang Dakilang Binibini ng Panitikang Hiligaynon.
Magdalena Jalandoni
Akdang pampanitikan na naging batayan ng demokrasya ng Estados Unidos.
Uncle Tom’s Cabin
Ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
Mahabharata
Ang Panitikan ay nagmula sa salitang ugat na?
titik
Nobelang panlipunan na inihandog ni Rizal sa Inang Bayan.
Noli Me Tangere
Obra maestra ni Jose Rizal na sinulat noong siya ay nakakulong sa Fort Santiago.
Mi Ultimo Adios
Obra maestra ni Jose Rizal na sinulat noong siya ay nakakulong sa Fort Santiago.
Mi Ultimo Adios
Kinilala siyang “Dakilang Dukha”.
Andres Bonifacio
Pahayagan ni Antonio Luna?
La Endependencia
Pinagbatayan ito ng gawaing panrelihiyon.
Doctrina Cristiana
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng awiting bayan alin ang HINDI?
a. Diona c. Talindaw
b. Kumindang d. Soliranin
b. Kumindang
Kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog.
Vocabulario de la Lengua Tagala
Tula na may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan.
Soneto
Isang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw sa namatayan. Ginagawa ito gabi-gabi hanggang sa ikasiyam ng gabi.
Ensileda
Alin ang naiiba?
a. Balad, awit, anekdota c. balagtasan, duplo, karagatan
b. Dalit, elehiya, pastoral d. parsa, saynete, komedya
a. Balad, awit, anekdota
Ginagamit na pangkulam o pang-enkanto.
Bulong
Pahayagan ng Katipunan.
Kalayaan
Nagsalin sa Wikang Tagalog ng Barlaan at Josaphat.
Padre Antonio de Borja