LARANG 1-2 Flashcards
Ano ang pagsulat
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan
Proseso ng Pagsulat
Bago sumulat - ang
paghahanda sa pagsulat tulad ng pagpili ng paksa at
pangangalap ng datos
Aktwal na pagsulat - aktuwal na pagsulat
kabilang na ang pagsulat ng burador o draft
muling pagsulat - pag-eedit at pagrerebisa ng burador batay sa wastong gamit ng mga salita, talasalitaan at
pagkakasunodsunod ng mga ideya
Mga uri ng pagsulat
akademiko
teknikal
jornalistik
referensyal
profesyunal
malikhain
Katangian ng sulating akademiko
intelektuwal na pagsulat dahil layuning itaas ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga magaaral sa paaralan
katangian ng teknikal na pagsulat
Espesyalisadong uri na
tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na
pangangailangan ng mga
mambabasa
Gumagamit ng teknikal na
terminolohiya
katangian ng sulating jornalistik
Ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist
katangian ng referensyal na pagsulat
Naglalayong
magrekomenda ng iba
pang sanggunian sa isang
paksa
katangian ng profesyunal na pagsulat
Nakatuon o eksklusibo sa
isang tiyak na propesyon
katangian ng malikhain na pagsulat
Layunin na paganahin ang
imahinasyon at pukawin
ang damdamin
Masining sapagkat
mayaman sa idyoma,
tayutay, at simbolismo
kahalagahan ng pagsulat
- Kahalagahang Panterapyutika
- Kahalagahang Pansosyal
- Kahalagahang Pang-ekonomiya
- Kahalagahang Pangkasaysayan
Kahalagahang Panterapyutika
Ginagamit ng tao ang pagsulat upang gumaan ang kanilang pakiramdam at maibsan ang isang mabigat na dalahin
Kahalagahang pansosyal
Ginagamit ng tao ang pagsulat bilang sandata para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
Kahalagahang pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat para siya’y mabuhay. Sa madaling salita, ito’y nagiging kanyang hanapbuhay.
Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagpreserba ng kasaysayang pambansa at
ang mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.
depenisyon ng akademikong pagsulat
- Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang
panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na
maaaring magamit sa ikatataguyod ng lipunan. - Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon.
- Ito’y isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral at itinatakdang gawaing pasulat sa isang tagpuang akademiko.