LARANF 3-4 Flashcards
Mga uri ng Akademikong Sulatin
Abstrak
Sintesis
Bionote
Memorandum
Agenda
Panukalang Proyekto
Talumpati
Katitikan ng Pulong
Posisyong Papel
Replektibong Sanaysay
Pictorial Essay
Lakbay Sanaysay
Ito ay ginagamit sa
pagbubuod ng mga
akademikong papel tulad
ng tesis, papel siyentiko,
teknikal, lektyur at report.
Abstrak
Ito ay ginagamit sa
pagbubuod ng tekstong
naratibo tulad ng maikling
kwento.
Sintesis
Ito ay ginagamit sa
pagbubuod ng personal
profile partikular na ang
academic career.
Bionote
Ito ay ginagamit upang
maghatid ng mensahe o
impormasyon ukol sa
gaganaping pulong o
pangyayari.
Memorandum
Ito ay listahan ng mga
magiging paksa sa isang
pagpupulong
Agenda
Ito ay proposal na
naglalayong makapagmungkahi ng
proyektong maaaring
makaresolba ng suliranin o problema.
Panukalang Proyekto
Ito ay isang sulating
nagpapaliwanag ng isang
paksang naglalayong
manghikayat, tumugod,
mangatwiran at magbigay
ng kabatiran o kaalaman.
Talumpati
Ito ay ang tala o rekord o
pagdodokumento ng mga
mahahalagang puntong
nailahad sa isang
pagpupulong.
Katitikan ng Pulong
Ito ay naglalayong
maipaglaban kung ano ang tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan
Posisyong papel
Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ang manunulat at nagrereplek. Nangangailangan ito ng
reaksiyon at opinyon ng
manunulat.
Replektibong Sanaysay
Ito ay isang sulatin na
nakatutok sa isang tema
kung saan mas maraming
larawan kaysa sa salita.
Pictorial Essay
Ito ay isang sanysay na
hindi lamang tungkol sa
paglalakbay kundi ito ay
maaari ring tungkol sa
natuklasan o nalaman ng
manunulat ukol sa lugar na napuntahan.
Lakbay Sanaysay
pinagmulan ng saitang bionote
Griyegong salita na bio (buhay), graphia (tala) = biography
detalyadong isinasalaysay ang mga
impormasyon hinggil sa buhay ng isang tao
talambuhay (autobiography)