FILIPINO LESSON 3 - ANG IBONG NAKAHAWLA AT MGA TULA AT URI NITO Flashcards
Makata, manunulat, artista, mang aawit at aktibista. Isinilang noong Abril 4, 1928, sa St. Louis, Missouri.
Maya Angelou
Ito ay nag panalo kay Maya Angelou ng Grammy Award
On the Pulse of Morning
Kinilala siya sa akdang ito kung saan ito ay ang kanyang talambuhay at kauna-unahang akdang di piksyon ng isang African-American na naging New York Times bestseller sa loob
ng dalawang taon
“I Know Why The Caged Bird Sings”
Isinalin niya ang tulang Ang Ibong Nakahawla
Rogelio G. Mangahas
lumukso/lumipad
Umigpaw
sinag, banaag o sikat ng araw
Silahis
naglakas-loob
Nangahas
galit na galit
Nanlilisik
malambing
Malamyos
matinding hinanakit
Pagngingitngit
Itinatampok ang kanyang sariling damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-bulay
Tulang Liriko o Padamdamin
Instrumentong naging dahilan kung bakit mas naging kilala ang Tulang Liriko
Lira
Awit tungkol sa pag-ibig na kalimitang ginagamit sa pagpapahayag ng pag-ibig ng mga binata sa sinusuyo nilang dalaga
Ang Awit (Dalitsuyo)
Maglarawan ng tunay na buhay sa bukid
Ang Pastoral (Dalitbukid)
May kaisipan at estilong higit na dakila at marangal. Walang tiyak na bilang ng pantig
Ang Oda (Dalitpuri)
Maikling awit na pampapuri sa Diyos
Ang Dalit (Dalitsamba)
Tulang may labing apat na taludtod. nagpapahayag ng isang pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan
Ang Soneto (Dalitwari)
Una, ito ay isang tula ng pananangis, lalo na sa pag-alala sa isang yumao; ikalawa, ang tono nito ay matimpi at mapagmuni-muni
Ang Elehiya (Dalitlumbay)
Naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod
Tulang Pasalaysay
Tulang salaysay na ang mga pangyayari at kawilihan ay napipisan sa pagbubunyi sa isang bayani sa isang alamat
Ang Epiko (Tulabunyi)
Ito ay tula ng kasaysayang wala gaanong banghay at binubuo ng mga kabanatang tumutukoy sa mga pakikipagsapalarang puno ng mga hiwaga at kababalaghan
Metrical Romance (Tulasinta)
Kapag ang tulang salaysay ay naging payak ito ay tinatawag na tulakanta. Ang mga pangyayari sa tulakanta ay sadyang maaaring mangyari sa tunay na buhay
Rhymed or Metrical Tale (Tulakanta)
Isang awit na isinasaliw sa sayaw subalit nang lumaoy nakilala ito bilang isang tulang kasaysayang nasusulat sa mga taludtod na wawaluhin o aaniming pantig at sa isang paraang payak at tapatan
Ballad (Tulagunam)
Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan
Tulang Dula
Isang tao lang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan
Tulang Dulang Mag Isang Salaysay (Dramatic Monologue)
Taglay nito kawilihan sa mga kalagayan, kilos, at damdaming ipinahahayag sa pamamagitan ng mga salita ng taong kinauukulan
Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
Ito ay nasusulat sa pamamaraan at paksang-diwang kapwa katawa-tawa
Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy)
Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa isang lakas na higit na makapangyarihan tulad ng tadhana
Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry)
Ito ay isang anyo ng dulang patula na naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at nagtataglay ng nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao
Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry)
Ito ay naglalarawan ng isang Kalagayang katawa-tawa at kalunos-lunos
Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy in Poetry)
Ito ay isa pa ring anyo ng tulang dula na ang itinatanghal ay mga pangyayaring lubhang katuwa-tuwa
Tulang Dulang Parsa (Farce in Poetry)
Sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain
Tulang Patnigan (Justice Poetry)
Isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao
Karagatan
Ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas
Duplo
Sa isang pulong na dinaluhan ng mga makata sa Instituto de Mujeres sumilang ang uring ito ng panulaang Tagalog
Balagtasan
Ang pangunahing layunin nito ay makapagbigay-aliw sa mga nakikinig o bumabasa sa pamamagitan ng katawa-tawa ngunit malatotoong mga kayabangan, panunudyo, at palaisipan
Batutian