AP LESSON 4 - REPRODUCTIVE HEALTH LAW Flashcards
pagkakaroon ng akses sa lahat ng pasilidad, serbisyo, at suplay pangkalusugan na makatutulong sa pagkakaroon ng reproductive health
Reproductive Health Care
naglalayong magbigay ng access sa family planning, reproductive health education, at serbisyong pangkalusugan upang mapabuti ang kalusugan ng ina, sanggol, at pamilya, lalo na sa mahihirap na komunidad
RA 10354 (Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012)
programang nagbibigay pahintulot sa mag asawa na malaya at responsableng makapag desisyon para maisakatuparan ang minimithing dami ng anak at wastong agwat ng mga ito
Family Planning
pagpapalaglag, pagtanggal o pagkitil sa namumuong embryo o fetus sa sinapupunan ng ina
Abortion
anumang uri ng gamot o kagamitan na nagiging dahilan ng aborsiyon
Abortifacient
paglimita sa bilang ng anak
o paggamit ng gamot, aparato, sexual practices o surgical procedures para pigilan ang pagbubuntis o pagkakaroon ng maraming anak
Birth Control
naatasan sa komunidad na magbigay ng libreng konsulta at gamot sa mga nabubuntis o nagdadalang tao
at nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga buntis, bagong panganak na ina, at mga sanggol
Midwives
natural at ligtas na paraan ng pagbubuntis
kung saan tinuturuan ang kababaihan ang kanilang fertility period para alam kung kailan at hindi dapat makipagtalik sa asawa batay sa menstrual cycle o tinatawag din itong fertility awareness-based method
Billings Ovulation Method
mula sa local family planning office ay kailangan ipakita ng mga nagbabalak magpakasal para makakuha ng kaukulang lisensya
Certificate of compliance
nagpapatunay na ang isang tao ay hindi pa kailanman ikinasal sa Pilipinas, kadalasang ginagamit bilang requirement sa pagpapakasal at iba pang legal na proseso
CeNoMar (Certificate of No Marriage)