AP LESSON 1 - MGA ISYU NG KARAPATANG PANTAO Flashcards
Mga batayang karapatan, prinsipyo, o kaasalan ayon sa mabuting pamantayan na pagganap ng isang tao; mga karapatang legal ayon sa batas ng bansa at ng pandaigdigang komunidad
Karapatang Pantao
Pandaigdig na dokumento na nabuo noong 1948 na nagtakda ng pangkalahatang pamantayan ng mga karapatan at kalayaang dapat tamasin ng bawat tao
Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
Uri ng karapatang pantao na karapatang payak na taglay ng bawat tao mula pa sa sinapupunan ng ina na hindi maaaring baguhin o pigilan ng kahit anong uri ng batas o kultura
Halimbawa nito ay ang karapatang mabuhay, wastong pagkakakilanlan o dignidad, magmahal o mahalin
Karapatang Likas
Uri ng karapatang pantao na karapatang itinakda ng batas na isinulat at pinagtibay ng kongreso at layunin nitong pagbawalan ang ilang gawain o bigyan ng karapatan ang mga grupo tulad ng kabataan at indigenous people
Halimbawa nito ang RA 10648 or Iskolar ng Bayan act of 2014
Karapatang Statutory
Uri ng karapatang pantao na karapatang nakapaloob sa Saligang Batas na maaaring baguhin sa pamamagitan ng Constitutional Convention
Karapatang Konstitusyonal
Katipunan ng mahalagang karapatan (karapatang pampolitika, panlipunan, pangkabuhayan, pangkultura at marami pang iba)
Bill of Rights
Karapatang ipinagkaloob sa mga manunulat, pintor, at eskultor na may mahalagang ambag o likhang sining na maaring nakawin ng iba
Intellectual Property Rights
ISYUNG KINALAMAN SA KARAPATANG PANTAO
- Unsolved cases
- Implementasyon ng mga batas ukol sa karapatang Pantao
- Bilis o bagal ng paglutas ng mga kaso
- Tiwala ng mga biktima ng paglabag sa Karapatang Pantao
MGA ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
- Estrahudisyural na pagpatay, tortyur, at Pagdukot
- Atake sa mga mamahayag o miyembro ng media
- Terorismo
- Etniko, paghihimagsik, at digmaang sibil
Mga lugar kung saan nangyayari ang hindi awtorisadong pagpapatayo ng kabahayan
Informal Settlements
websites at applications na tumutulong sa mga gumagamit nito na ibahagi ang mahahalagang impormasyon o makisali sa mga usapin
Social Media