FILIPINO - 2ND BATCH Flashcards
- Iba't ibang antas ng wika - Barayti ng wika - Una, Pangalawa, Pangatlong Wika
MGA SALITANG ISTANDARD DAHIL KINILALA, TINATANGGAP AT
GINAGAMIT NG HIGIT NA NAKARARAMI LALO NA NG NAKAPAG- ARAL NG WIKA
PORMAL
Ito ay mga salitang malalalim at masining na ginagamit sa panulaan
ng manunulat at mga bihasa sa wika. Mga salitang karaniwang matatayog, malalim,
makulay at masining.
Hal: MAYABONG, MALA-PERLAS SA KINIS, TALINGHAGA
PAMPANITIKAN
Ito ang mga salitang ginagamit ng buong bansa. Nauunawaan ng bawat
Pilipino mula Aparri hanggang Jolo. Ginagamit din ito bilang pangkomunikasyon, pampamahalaan, at sa mga paaralan. Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga
aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan.
HAL: KAPAKI-PAKINABANG,
MAAASAHAN, NAGTUTULUNGAN
PAMBANSA
MGA SALITANG KARANIWAN, PALASAK AT PANG- ARAW- ARAW
NA MADALAS NATIN GAMITIN SA PAKIKIPAG- USAP SA MGA KAIBIGAN AT
KAKILALA
DI-PORMAL
Ito ay mga salitang ginagamit sa lalawigang sinasakop nito. Tanging
sila lamang ang gumagamit maliban na lamang kung sila ay nakatagpo sa labas ng
kanilang probinsya. Kapuna- puna ang kakaibang bigkas at tono sa bawat salitang
kanilang ginagamit tulad ng mga taga- Morong ng Rizal, Batangas, at iba pang mga
lalawigan sa Katagalugan.
Hal: “Ay! Siyang tunay!”. “Mapinit gad.”
LALAWIGANIN
pang-araw-araw na salita na ginagamit sa pagkakataong impormal,
maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari din itong
maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito at kalimitang pinaiiksi ang
mga salita.
Hal: Ay Hesus!= Aysus!, Kaunti= konti, Doon=dun
KOLOKYAL
Ito’y uri ng mga salita na di ginagamit ng mga taong nakapag- aral. Ito ay
tinatawag na salitang kalye o slang sa Ingles. Ginagamit ng mga pangkat- pangkat
upang magkaroon ng sariling codes
Hal: Erpat= tatay, punta=Gora, ako= agakogo
BALBAL
Pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo,maging ng
kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa; teoryang ginagamit
upang matukoy ang pagkakaiba- iba ng mga barayti ng wika
Teoryang Sosyolinggwistik
ibinibatay sa pagkakahati ng lugar ng pinaninirhan
Dimensyong Heograpiko
Dimensyong Sosyal
ibinabatay sa pangkat o grupong kinabibilangan
“Language codes” na ginagamit ng pamilya Dela Cruz
EKOLEK
“BARS!”
SOSYOLEK
Wikang nakadepende sa kinabibilangan nitong pag- aaral, larangan o propesyon
REGISTER
Matining na pagsasalita ni Kim
IDYOLEK
Ala e! (Batangas)
DAYALEK
Ang komposisyon sa musika ay liriko, ang komposisyon sa panitikan ay sulatin
REGISTER
Ganern!
SOSYOLEK
Naligo ka na? (Cavite)
DAYALEK
Isang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng isang grupo ng mga
tao
IDYOLEK
Kakaibang usapan sa pagitan ng angkan ni Julia
EKOLEK
Pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.
IDYOLEK
Wika na nalilikha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa particular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan.
DAYALEK
Wika na ginagamit ng isang particular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
SOSYOLEK
Wika na nadedebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.
ETNOLEK
Wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
EKOLEK
Wika na walang pormal na estraktura. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika.
PIGDIN
Wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar.
CREOLE
Ayon sa mga dalubwika, tumutukoy ito sa anumang wikang natutuhan ng isang tao
matapos niyang maintindihang lubos at magamit ang sarili niyang wika. Maaari din
itong maaituro ng isang magulang sa kaniyang anak upang ito’y di makulong sa iisang
wika
PANGALAWANG WIKA
Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue at kinakatawan ng L1
UNANG WIKA
Nakukuha ito ng isang indbidwal habang mas lumalawak ang kanyang kaalaman at
lumalawak din ang uri ng taong kanyang nakakasalamuha.
PANGATLONG WIKA
Taong iisang wika lamang ang ginagamit.
MONOLINGGWAL
Sa wikang ito pinakamahusay o pinakamatatas na naipapahayag ng isang tao ang
kanyag damdamin.
UNANG WIKA
Ito ang katawagang ibinigay kay Dr. Jose Rizal dahil sa kanyang kaalaman sa
maraming wika
???
Taong nakagagamit ng tatlo o higit pang wika.
MULTILINGGWAL
Wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao sa loob ng kanilang
tahanan.
UNANG WIKA
Sa MONOLINGGWAL, BILINGGWAL, at (….), isa rito ang pagturing
na ginagamit sa kaalaman ng mga Pilipino sa wika.
MULTILINGGWAL
Tawag sa taong mahusay na nagagamit ang dalawang wika sa
pakikipagtalastasan.
BILINGGWAL
Wikang natutuhan sa loob ng paaralan at sa pakikipag- usap niya sa iba’t ibang tao sa
labas ng kanyang tahanan.
PANGALAWANG WIKA
Wikang Ingles.
Wikang Ingles.
Ayon sa mga dalubwika, ito ay tumutukoy sa anumang wikang natutuhan ng isang tao
matapos niyang maintindihan nang lubos at magamit ang kanyang sariling wika.
PANGALAWANG WIKA