Bugtong 9 Flashcards
Buto’t-balat, lumilipad.
Saranggola
Kung gabi ay malapad, kung araw ay matangkad.
Banig
Dala mo, dala ka, dala ka pa ng iyong dala.
Sapatos
Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
Ngunit kung ako’y pataying paminsan,
Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay.
Kandila
Binili ko nang di nagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalaman.
Kabaong
Nang hatakin ang baging, nagkagulo ang matsing.
Kampana ng simbahan
Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
Sinturon
Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Ilaw
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Zipper
Sa umaga ay nagtataboy, sa gabi ay nag-aampon.
Bahay
Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Kubyertos
Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Kulambo
May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan.
Kumpisalan
Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Batya
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Kamiseta
Nagbibigay na, sinasakal pa
Bote
May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sandok
Dalawang ibong marikit, nagtitimbangan sa siit.
Hikaw
Isa ang pinasukan, tatlo ang nilabasan.
Kamiseta
Isang uhay na palay, sikip sa buong bahay.
Lampara
Kadena ay sinabit, sa batok nakakawit.
Kwintas
Ikinakabit ito sa regalo, isinasabit sa buhok ni Amparito.
Laso
Ang laylayan ay maikli, patalikwas pa ang lupi.
Pantalon
Dalawang pinipit na suman, nagmula sa puklo at hindi sa baywang; magingat ka katawan at baka ka mahubaran.
Pantalon