Bugtong 7 Flashcards
Rubing nanggaling sa brilyante, brilyanteng nanggaling sa rubi.
Itlog
Likidong itim, pangkulay sa lutuin.
Toyo
Mga isdang nagsisiksikan sa latang kanilang tirahan.
Sardinas
Maputing parang kanin siya,
Dahon ng saging idinamit sa kanya.
Suman
Malambot na kalamay na may katamisan
Malinamnam at gawang Kapampangan.
Tamales
Karaniwang dinikdik itong baka
Na kapag ipinirito ay katakam-takam na.
Tapa
Pagbali-baliktarin man din, may butas pa rin.
Donat
May binti, walang hita,
May balbas, walang baba,
May matamis, nginunguya.
Tubo
Pritong saging sa kalan
Lumutong pagkat dinamitan.
Turon
Sa mantika ay nagpuputukan
Balat ay naglulutungan.
Tsitsaron
Gatas na inasukalan
Selopeyn ang pinagbalutan.
Yema
Bayabas ko sa tabing bahay, ang bunga’y walang tangkay.
Itlog
Maputing-maputing parang Chinita
Pag pinakuluan sa mantika ay namumula.
Tokwa