Bugtong 2 Flashcards
Di dapat na kulangin, di rin dapat pasobrahin.
Sapat
Kung may ditche at diko sa sambahayan, kapartner nito ang sanse sa tahanan.
Sangko
Barong itinatapis lamang, maaaring gawing pormal na kasuotan.Thailand ang pinanggalingan.
Sarong
Hindi ka pa gaanong nilalagnat, sakit ay di pa ganap.
Sinat
Maitim na puwit, tangkay ay nakakabit.
Sungot
Umupo si itim, sinulot ni pula,lumabas si puti, bubuga-buga.
Sinaing
Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.
Manok
Sisidlang papel na kono ang hugis, malalagyan ng maning mainit.
Sungsong
Berdeng dahon kapag natuyo. Ginagayat, binibilot at sinusubo.
Tabako
Kabaliktaran ng kabiguan. Simbulo ng lawrel sa labanan. Damdamin ay puno ng katuwaan.
Tagumpay
Mga pangungusap na may kaisahan, nagpapahayag ng damdamin at kaisipan.
Talata
Nang bata pa ay apat ang paa. Nang lumaki ay dalawa. Nang tumanda ay tatlo na.
Tao
Masakit na pag-iktad ng kumukulong mantika, kapag may pinipiritong isda.
Tilamsik
Kinatog ko ang bangka,
Nagsilapit ang mga isda.
Batingaw
Dalawang magkapatid,
Sa pagdarasal ay namimitig.
Tuhod
Garapal na katalinuhang bansag sa matsing
Laging gustong magkamal ng buliling.
Tuso
Modelo sa katauhan
Tinitingala ng kalahatan.
Uliran
Kapag bumabaha sa paliguan, mga liyabi ay kanyang tangan-tangan.
Tubero
Tunog sa lalamunan,
Inumin ang kailangan.
Sinok
Hindi pa natatalupa’y, nanganganinag na ang laman.
Kamatsile
Kung mahiga ay patagilid, kung nakatayo ay patiwarik.
Gulok / Itak