Bugtong 3 Flashcards
Matanda na ang nuno hindi pa naliligo.
Pusa
Maliit pa si Nene nakakaakyat na sa tore.
Langgam
Sa araw nahihimbing, sa gabi ay gising.
Paniki
Tiniris mo na inaamuyan pa.
Suror
Kay liit pa ni Neneng marunong nang kumendeng.
Bibe
Anong hayop ang dalawa ang buntot?
Elepante
Ang ulo ay kabayo, ang leeg ay pare, ang katawan ay uod, ang paa ay lagare.
Tipaklong
Naghanda ang katulong ko, nauna pang dumulog ang tukso.
Langaw
Ito na si bayaw dala-dala’y ilaw.
Alitaptap
Pantas ka man at marunong, at nag-aral nang malaon, aling kahoy sa gubat ang nagsasanga’y walang ugat?
Sungay ng Usa
May ulo’y walang buhok, may tiyan walang pusod.
Palaka
Alin itlog ang may buntot?
Lisa
Dala-dala mo siya pero kinakain ka niya.
Kuto
Yao’t dito, roo’y mula, laging ang ginagawa’y magtago at mamulaga sa matatanda at sa bata.
Unggoy
Kung kailan tahimik saka nambubuwisit.
Langaw
Hindi naman platero, hindi naman panday, lapat ang buhay.
Talaba
Tungkod ni Kapitana, hindi mahawakan.
Ahas
Kinain ko ang isa, ang itinapon ko ay dalawa.
Talaba
Bata pa si Nene marunong nang manahi.
Gagamba
Nang kainin ay patay, nang iluwa’y buhay.
Bulate
Alin sa mga ibon ang di nakadadapo sa kahoy?
Pugo
Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
Aso
Bagama’t maliit, marunong nang umawit.
Kuliglig
Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko ay gatas din ng anak mo.
Baka