Bugtong 5 Flashcards
Bahay ng anluwagi, Iisa ang haligi.
Kabute
Maganda kong senyorita, susun-suson ang saya.
Puso ng saging
Baboy sa kaingin, natapo’y walang pagkain.
Kalabasa
Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
Dahon ng gabi
Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
Sili
Munting tampipi, puno ng salapi.
Sili
Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sitaw
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Ampalaya
Puno ko sa probinsya, puno’t dulo ay mga bunga.
Puno ng Kamyas
Isda ko sa Maribeles, Nasa loob ang kaliskis.
Sili
Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray.
Talong
Habang aking hinihiwa, ako ay pinaluluha.
Sibuyas
Ikaw na humihiwa-hiwa ay siya pang lumuluha.
Sibuyas
Kangkong, reyna kangkong,
Matulis ang dahon ang bunga ay dupong.
Talong
Gulay na may arte ang porma, berdeng buhok tinirintas sa umaga.
Sigarilyas
Nang maliit ay paruparo
Nang lumaki ay panali mo.
Sitaw
Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
Sili
Nakabaging na gulay
Karaniwang berde ang kulay
Bibitin-bitin sa halamanan
Pantali sa sapatos ni Belay.
Sitaw
Paruparo noong maliit pa
Bulate nang tumanda na.
Sitaw
Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Kalabasa
Nang ihulog ko’y buto,
Nang hanguin ko’y malaking trumpo
Singkamas
Paruparo nang bata,
Naging ahas nang tumanda.
Sitaw
Pwedeng gulay na nakabitin
Pantali sa sapatos ni Pipin.
Sitaw
Gulay na granate ang kulay
Matigas pa sa binti ni Aruray
Pag nilaga ay lantang katuray.
Talong