Bugtong 6 Flashcards
Hugis-puso, kulay ginto, anong sarap kung kagatin, malinamnam kung kainin.
Mangga
Bahay ni Margarita, naliligid ng Sandata.
Pinya
Kampanilya ni Kaka, laging mapula ang mukha.
Makopa
Isang tabo, laman ay pako.
Suha
Kung tawagin nila’y santo hindi naman milagroso.
Santol
Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Balimbing
Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
Niyog
Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
Dahon ng Saging
Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Saging
Wala pa ang giyera, wagayway na ang bandera.
Dahon ng Saging
Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay.
Puno ng Siniguelas
Sinampal ko muna bago inalok.
Sampalok
Magkapatid na prinsesa, lahat nama’y pawang negra.
Duhat
Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
Duhat
Maasim talaga ang kanyang bunga, may sampal na kasama mula sa ada.
Sampalok
Nakabaluktot na daliri sa sanga ay mauuri.
Sampalok
Gulay na kay tamis,
Maputi ang kutis.
Singkamas
Nanganak ang aswang, sa tuktok nagdaan.
Puno ng saging
Matamis na gulay
Puting-puti ang kulay
Sa lupa pa hinuhukay.
Singkamas
Nang ihulog ay buto,
Nang hanguin ay trumpo.
Singkamas
Namunga na ngang talaga,
Bakit nakakalbo pa?
Sinigwelas
Balat ay berde, buto’y itim, laman ay pula,
Turingan mo kung ano siya.
Pakwan
Puno’y bumbong, sanga’y ahas,
Bunga’y gatang, lama’y bigas.
Papaya
Nanganak ang aswang, sa tuktok dumaan.
Puno ng saging