Bugtong 8 Flashcards
Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.
Kulog
Dumaan si Negro, nangamatay ang tao.
Gabi
Hayan na, hayan na, di mo pa makita.
Hangin
Kumindat ang Sultan, natakot ang bayan.
Kidlat
Baka ko sa Bataan, abot dito ang unga.
Kulog
Buhos ng tubig na umaagos sa kaitaasan, tumatalon sa ilog-ilogan.
Talon
Bibingka ng hari, hindi mo mahati.
Tubig
Bulak na bibitin-bitin, di puwedeng balutin.
Ulap
May kabayo akong payat, pinalo ko ng patpat, lumukso ng pitong gubat, naglagos ng pitong dagat.
Alon
Manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi ay gabi na.
Araw
Nang umalis ay lumilipad, nang dumating ay umuusad.
Ulan
Ako’y iyak ng iyak,
patuloy ang agos ng luha,
kahit daanan ng tubig ay biyak,
nilabas ko lang ang galit hanggang ito’y maging bula.
Ilog
Buhay na di kumikibo, patay na di bumabaho.
Bato
Bumubuka’y walang bibig, ngumingiti ng tahimik.
Bulaklak
Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo.
Buwan
Bumuka’y walang bibig, ngumingiti nang tahimik.
Bulaklak
Nang wala pang ginto ay doon nagpalalo, nang magkagintu-ginto ay doon na nga sumuko.
Palay
Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid, bunga ay matulis.
Palay
Kung saan masikip, doon nagsisiksik.
Labong ng Kawayan
Baka ko sa Maynila, abot dito ang unga.
Kulog
Lupa, tubig at kalawakan, tirahan ng sangkatauhan.
Daigdig
Baka ko sa Palawan, unga’y nakakarating kahit saan.
Kulog
Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Gumamela
Buhok ng pari, hindi mahawi.
Tubig