4TH QUARTER FLASHCARDS
Sinisipat sa pag-aaral na ito ang ugnayan ng wika at lipunan partikular na ang kaangkupan ng gamit ng isang wika batay sa iba’t ibang konteksto.
sosyolingguwistiko
Ano ang kakayahang sosyolingguwistiko?
Kapag ang isang tao ay may kakayahang manipulahin ang kaniyang gamit ng wika upang ito ay maiaayon sa hinihinging sitwasyon sa pakikipagtalastasan.
Iba’t ibang salik ng ng isang panlipunang sitwasyon ng mga taong sangkot sa usapan
panahon, kontekstong kultural, lunan ng usapan, maging ang edad, kasarian, propesyon at pangkat
Bakit kailangang bigyang pansin ang iba’t ibang salik ng ng isang panlipunang sitwasyon ng mga taong sangkot sa usapan?
Sapagkat ang mga ito ay maaring makaapekto sa kaangkupan ng gamit ng isang wika sa isang sitwasyong komunikatibo.
Ito ang akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.
KOMUNIKASYON
Modelo ni Dell Hymes na isang paraan ng pag-unawa sa sitwasyong komunikatibo.
S-P-E-A-K-I-N-G
Saan nakatuon ang S-P-E-A-K-I-N-G
Nakatuon ang modelong ito sa kakayahang komunikatibo at sa mahalagang salik na sosyokultural at iba’t ibang sangkap na dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng epektibong pagpapahayag.
Setting o scene
Saan nag uusap? ; lugar at oras ng usapan: naglalarawan sa kalikasan ng sitwasyon ng pag uusap.
Participants
Sino ang kausap? ; mga taong sangkot sa usapan; ang nagsasalita at ang kinakausap.
Ends
Ano ang layunin ng pag uusap? layunin at mithiin ng usapan gayundin ang maaring bunga ng pag uusap.
Act Sequence
Paano ang takbo ng pag uusap? ; pagkakasunod sunod ng pangyayari habang nagaganap ang pag uusap.
Keys
Ano ang tono ng pag uusap? pangkalahatang tono o paraan ng pagsasalita: pormal o di pormal ang takbo ng usapan.
Instrumentalities
Ano ang tsanel o midyum ng usapan? ; anyo at estilong ginagamit sa pag uusap: pasalita, pasulat harapan,hasama rin ang uri ng wikang ginamit.
Norms
Ano ang paksa ng usapan? ; kaangkupan at kaakmaan ng usapan sa isang sitwasyon.
Genre
Ano ang diskursong ginagamit? ; uri ng pananalita na nakalahad mula sa isang sitwasyon: nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nagmamatuwid