#3.3 : Barayti ng Wika Flashcards
Dalawang uri ng wika at pagkakaiba nito
Homogenous - Kung pare parehong magsalita ang lahat ng gumagamit nito
Heterogenous - Pagkakaiba ng wika na sanhi ng iba’t ibang salik panlipunan.
Pano nagkakaroon ng heterogenous na wika?
Bunga ng sitwasyon at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na divergence.
Bakit hindi tayo nagkakaroon ng homogenous na wika?
Dahil may kaniya kaniya tayong paraan ng pagsasalita.
Ano ang pinagmumulan ng barayti ng wika?
Mga salik ng lipunan
Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na grupo ng tao mula sa isang lalawigan, rehiyon, o bayan.
Dayalek
Ito ay dayalek na sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroon pansariling paraan ng pananalita sa bawat isa.
Idyolek
Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimesiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Sosyolek
Ito’ y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang tunog o kahulugan ng salita
Wika ng Beki o Gay Lingo
Isang baryant ng Taglish na may ilang salitang Ingles na inihalo sa Filipino kaya’t masasabing code switching na nangyayari.
Coño o Conyospeak
Isinusulat nang may pinaghaha halong numero, simbolo, at malaki at maliit na titik kayat mahirap o intindihin lalo na hindi pamilyar ang tinatawag na jejetyping.
Jejemon o Jejespeak
Ito ang mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay may pagkilala sa kanilang trabaho o gawain.
Jargon
Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat etniko.
Etnolek
Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
Register
Dalawang uri ng register
Pormal at di-pormal
Kailan ginagamit ang pormal at di-pormal na wika?
• Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o
pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan atbp.
• Di pormal na pagsalita naman ang ginagamit kapag ang kausap kaibigan, malalapit na pamilya, mga
kaklase, o mga kasing edad, at matagal na kakilala.