#3.1 : Mga Konseptong Pangwika Flashcards
Ito ay mula sa pinagsama-samang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan.
Wika
Pinanggalingan ng salitang “wika”
Nagmula sa Latin na “Lingua” ay nangangahulugang “dila” at “wika” o “lenggwahe”
Linggwista vs. Linggwistika
Linggwista o dalubwika - taong dalubhasa sa pag-aaral ng wika.
Linggwistika o dalubwikaan - ang siyentipikong pag-aaral ng wika.
Wika ayon kay: Paz, Hernandez, at Penayra
Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.
Wika ayon kay: Charles Darwin
Ang wika ay isang sining, hindi rin daw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag aralan bago matutuhan.
Wika ayon kay: Cambridge Dictionary
Ang wika ay sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.
Wika ayon kay: Henry Allan Gleason, Jr.
Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.
Ang wika ay MASISTEMANG BALANGKAS.
Kagaya ng pagbuo ng ibang bagay ang wika ay dumadaan sa isang proseso upang malinang ang paggamit nito. Ponema ; Ponolohiya ; Morpema ; Morpolohiya ; Sintaks ; Diskors
Ang wika ay SINASALITANG TUNOG.
Isa sa natatanging katangian ng tao ay ang kakayahang magsalita o bumigkas ng mga salita sapagkat tayo ay biniyayaan ng aparato sa pagsasalita, kaya naipahahayag natin ang ating saloobin sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita.
Ang wika ay PINIPILI AT ISINASAAYOS.
Ang pagpili ng tamang salita ay makatutulong upang maipabatid ng maayos ang mensaheng nais mong sabihin. Kayang mabago ng isang salita ang kanyang kahulugan sa simpleng pagpalit lang ng ponema o paglalagay ng mga bantas.
Ang wika ay ARBITRARYO.
Magkakaiba ang tawag sa isang bagay sa bawat bansa ngunit hindi nagbabago ang bagay na nilalarawan dahil iba’t ibang kultura at wika ang ginagamit ng bawat bansa o pamayanan.
Ang wika ay GINAGAMIT.
Isa sa mga dahilan kung bakit namamatay ang wika ay dahil hindi naipapasa sa susunod na salinlahi ang kanilang wika kagaya na lamang ng mga pangkat etniko na kabilang sa minorya o kakaunti lamang ang bilang.
Ang wika ay NAKABATAY SA KULTURA.
Ang konsepto ng wika ay nakabatay sa kultura ng taong gumagamit nito.
4 na kahalagahan ng wika
- Ginagamit ang wika bilang instrumento ng komunikasyon.
- Pinakikilala ng wika ang kultura ng isang bansa.
- Binabandila ng wika ang pagkakakilanlan ng isang bansa at mamamayan nito.
- Iniingatan at pinapalaganap ng wika ang mga karunungan at kaalaman.
Tagalog vs. Pilipino vs. Filipino
✓ TAGALOG – katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)
✓ PILIPINO – Unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas. (1959)
✓ FILIPINO- kasalukuyang tawag sa pambasang wika ng Pilipinas, Lingua Franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas kasama ang Ingles (1987).