#4.1 : Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Flashcards
Ito ay pinakamaimpluwensiyal at masasabi ring pinkamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan.
pangmasang media o mass media
Ano ang media?
Ang media ay isang institusyong panlipunana na ang pangunahing tungkulin ay maging tagapagbantay, tagamasid, taga ulat ng mga pangyayari sa lipunan, maging tinig ng mamamayan at tagapaghatid ng mensahe ng kinauukulan.
Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas na maiuugnay sa pag ibig at iba pang aspekto ng buhay
PICK-UP LINES
Ito ay ang tawag sa mga linya ng pag ibig na nakakakilig, nakatutuwa , cute, cheesy, o minsa’y nakakainis din.
HUGOT LINES
Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira rap ay magkakatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan
FLIPTOP
Sitwasyong Pangwika sa Text
Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Usong-uso rin sa text ang paggamit ng daglat bilang shortcut o pagpapaikli sa mga parirala lalo na sa Ingles.
Sitwasyong Pangwika sa Social Media
Code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino. Pagpapaikli ng mga salita o daglat sa mga post o komento. Ang mga pangunahing wika sa mga website at sa iba pang impormasyong mababasa, maririnig, at mapapanood sa Internet ay nanatiling Ingles.
Ano-ano nga ba ang mga babasahin at impormasyong nasusulat sa Wikang Filipino sa Internet?
- Dokumentong pampamahalaan tulad ng ating Saligang Batas
- Kautusang Pampamahalaan
- Impormasyon mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
- Akdang pampanitikan
- Awiting nasusulat sa wikang Filipino
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies. Gayunpaman, nananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika sa mga pagawaan o production line, mga mall, mga restoran, mga pamilihan, palengke maging sa direct selling.
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan
Sa bisa ng Batas Tagapagpagganap Blg. 335, serye ng 1998 na “nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at korespondensiya.
Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon
Sa Kindergarten hangangang grade 3, Unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na Asignatura. (MTB-MLE) Wikang Filipino at Ingles ay itinuturong hiwalay na asignaturang pangwika.