3RD QUARTER FLASHCARDS

1
Q

Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.

A

Wika

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Wika ayon kina Paz, Hernandez, at Penayra

A

Wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo na nagsisilbing daluyan ng ating ekspresyon.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Wika ayon kay Charles Darwin

A

Wika ay isang sining at hindi rin tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag aralan bago matutuhan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Wika ayon sa Cambridge Dictionary

A

Wika ay sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Wika ayon kay Henry Allan Gleason, Jr.

A

Wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

6 katangian ng wika

A
  1. Masistemang balangkas
  2. Sinasalitang tunog
  3. Pinipili at isinasaayos
  4. Arbitraryo
  5. Ginagamit
  6. Nakabatay sa kultura
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

4 kahalagahan ng wika

A

o Ginagamit ang wika bilang instrumento ng komunikasyon.
o Pinakikilala ng wika ang kultura ng isang bansa.
o Binabandila ng wika ang pagkakakilanlan ng isang bansa at mamamayan nito.
o Iniingatan at pinapalaganap ng wika ang mga karunungan at kaalaman.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Layunin ng Pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa

A

“mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansa wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikan na tinanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.”

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.

A

WIKANG OPISYAL

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ito ang wika pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.

A

WIKANG PANTURO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Bakit magandang gamitin ang wikang ginagamit sa tahanan ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral?

A

Ito ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Pagkakahati depende sa salik ng lipunan.

A

Divergence

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.

A

DAYALEK

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa.

A

IDYOLEK

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Paano napatunayan ng idyolek na ang wika ay hindi homogenous?

A

Dahil may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao batay sa kaniyang estilo o paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang komportableng magpahayag

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimesiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.

A

SOSYOLEK

17
Q

Ito’ y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.

A

Wika ng Beki o Gay Lingo

18
Q

Isang baryant ng Taglish na may ilang salitang Ingles na inihalo sa Filipino kaya’t masasabing code switching na nangyayari.

A

Coño o Conyospeak

19
Q

Isinusulat nang may pinaghaha halong numero, simbolo, at malaki at maliit na titik kaya’t mahirap o intindihin.

A

Jejemon o Jejespeak

20
Q

Ito ang mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay may pagkilala sa kanilang trabaho o gawain.

A

Jargon

21
Q

Nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat etniko.

A

ETNOLEK

22
Q

Naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap.

A

REGISTER

23
Q

Dalawang uri ng Register at kanilang kahulugan

A
  • Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari
  • Di pormal na pagsalita naman ang ginagamit kapag ang kausap ay kakilala.
24
Q

Ito ay bunga ng pag uusap ng dalawang taong magkaibang unang wika kaya magkakaroon sila ng makeshift language dahil dito makakalikha sila ng isang wikang pinaghalo ang kanya kanya nilang unang wika.

A

PIDGIN

25
Q

Naging unang wika ng mga batang isinilang sa komunidad kapag ito’y nabuo hanggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod ng karamihan.

A

CREOLE

26
Q

7 Tungkulin ng wika

A

Instrumenyal, regulatoryo, interaksyunal, personal, heuristiko, impormatibo, imahinatibo

27
Q

Ito ay naguuutos, nakikiusap, at nanghihikayat.

A

Instrumental

28
Q

Dalawang tao o higit pa ang nakapaloob dito.

A

Interaksyunal

29
Q

Dito ang pagkontrol sa ugali ng tao para magkaroon ng disiplina at maging sibilisado.

A

Regulatoryo

30
Q

Pagpapahayag ng sariling opinyon o kuru kuro sa paksang pinag uusapan.

A

Personal

31
Q

Pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-uusapan.

A

Heuristiko

32
Q

Pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.

A

Impormatibo

33
Q

Pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan, ginagamit sa paglikha, pagtuklas at pag-aliw.

A

Imahinatibo