Wastong Gamit ng mga Salita Flashcards
NANG at NG
- Kung ang kasunod na salita ay sumasagot sa tanong na “ANO”.
- Pag-aari
- Pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa
NG
NANG at NG
- Kung ang kasunod na salita ay sumasagot sa tanong na “PAANO” at “GAANO”.
- Gitna ng dalawang inuulit na salita
- Gitna ng pang-uri at pang-abay
NANG
SUBUKIN at SUBUKAN
Nanganghulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas, o kakayahan ng isang tao o bagay.
SUBUKIN
SUBUKIN at SUBUKAN
Nangangahulugan ng pagmamanman upang malaman ang ginagawa ng tao i mga tao.
SUBUKAN
PAHIRIN at PAHIRAN
Nangangahulugan ng pag-alis o pag-pawi ng isang bagay.
PAHIRIN
PAHIRIN at PAHIRAN
Nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay.
PAHIRAN
OPERAHIN at OPERAHAN
Tiyak na bahaging titistisin.
OPERAHIN
OPERAHIN at OPERAHAN
Kabuuaan; ang tao mismo hindi ang bahagi ng katawan
OPERAHAN
PUNASIN at PUNASAN
- Ginagamit kapag binabanggit ang bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man.
- tiyak na bagay ang aalisin
PUNASIN
PUNASIN at PUNASAN
- Ginagamit kapag ang binabanggit ay ang bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man.
- hindi binabanggit ang tiyak na bagay na aalisin
PUNASAN
PINTO at PINTUAN
Kinalalagyan ng pinto. Bahaging daraanan pag nakabukas ang pinto.
PINTUAN
PINTO at PINTUAN
Bahagi ng daanan na isinasara o binubukas (nilo-lock)
PINTO
DIN at DAW; RIN at RAW
Ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
DIN at DAW
DIN at DAW; RIN at RAW
Ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y.
RIN at RAW
WALISIN at WALISAN
- tumutukoy sa bagay na aalisin (tiyak)
WALISIN