Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino Flashcards
Makaagham na pag-aaral ng ponema.
Ponolohiya
Ito ay pinakamahulugang tunog ng isang wika.
Ponema
Ito ay mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra upang mabasa at mabigkas.
Ponemang segmental
Ano ang mga uri ng Ponemang Segmental?
- Diptonggo
- Ponemang Malayang Nagpapalitan
- Pares Minimal
- Kambal- katinig / Klaster
Ito ay tawag sa alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/ at /y/ sa loob ng isang pantig.
Diptonggo
Anong uri ng Ponemang Segmental ito?
Halimbawa:
- ba-hay
- bey-wang
- si-siw
Diptonggo
Mga salitang katutubong may nagkakapalitang ponema (/e/ at /i/; /o/ at /u/; /r/ at /d/)
Ponemang Malayang Nagpapalitan
Anong uri ng Ponemang Segmental ito?
Halimbawa:
- lalake - lalaki
- marami - madami
- marunong - madunong
Ponemang Malayang Nagpapalitan
Ang pares ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit makatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon. (Minimal Pair Technique)
Pares Minimal
Anong uri ng Ponemang Segmental ito?
Halimbawa:
- misa - mesa
- ilog- irog
- sabaw - sabay
- pala - bala
Pares Minimal
Ito ay ang dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa isang pantig.
Kambal-katinig / Klaster
Anong uri ng Ponemang Segmental ito?
Halimbawa:
- PLa-no (Posisyong Inisyal)
- in-TRi-ga (Posisyong Midyal)
- is-poRT (Posisyong Pinal)
Kambal-katinig / Klaster
Walang ponemikong simbolong katawanin (stress, pitch, intonation, juncture)
Ponemang Suprasegmental
Pantulong sa ponemang segmental na siyang dahilan kung bakit higit na nagiging mabisa ang paggamit ng ponemang segmental sa ating pakikipagtalastasan.
Ponemang Suprasegmental
Ano ang mga uri ng Ponemang Suprasegmental?
- Haba o Diin
- Tono o Intonasyon
- Hinto o Antala