Antas ng Wika Flashcards
Ano ang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya kabilang
Antas ng Wika
Ang antas ng wika ay binubuo ng dalawang antas. Ano ang mga ito?
Pormal at Impormal
Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika
Pormal
Gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan
Pormal
Ang Pormal ay binubuo ng dalawang antas. Ano ang mga ito?
Pambansa at Pampanitikan/Panretorika
Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng paaralan.
Pambansa
Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
Pambansa
Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan.
Pampanitikan/Panretorika
Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makukulay, talinghaga at masining.
Pampanitikan/Panretorika
Malikhaing mga salita
Pampanitikan/Panretorika
Neutral words (hindi bastos)
Pambansa
Pambansa : Ama
Pampanitikan: ___
Haligi ng Tahanan
Pambansa : ___
Pampanitikan: Ilaw ng Tahanan
Ina
Pambansa : Walang Silbi
Pampanitikan: ___
Patay na Tuod
Pambansa : ___
Pampanitikan: Nanliligaw
Naniningalang pugad
Pambansa : Kuripot
Pampanitikan: ___
Lawit ang pusod
Pambansa : ikakasal
Pampanitikan: ___
Nagmamahabang dulang
Ito ang mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan.
Impormal
Ang Impormal ay binubuo ng 3 na antas. Ano ang mga ito?
Lalawiganin, Kolokyal, at Balbal
Ginagamit sa mga partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga tao na gumagamit nito ay magkita-kita sa ibang lugar
Lalawiganin
Kakaibang tono at punto
Lalawiganin