Bahagi ng Pananalita Flashcards
Ito ay mga salitang nangangahulugang pangngalan o anumang salitang pangngalan.
Nominal
Ano ang dalawang uri ng nominal?
- Pangngalan
- Panghalip
Salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari.
Pangngalan
Ano ang dalawang klasipikasyon ng pangngalan?
- Panlahat (pambalana) at hindi panlahat (pantangi)
- Tahas at hindi tahas (basal)
Tumutukoy sa tanging ngalan ng tao, bagay, lugar o pangyayari
Halimbawa:
- Pia
- Mongol
- Catriona
Pangngalan Pantangi
Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari.
Halimbawa:
- babae
- lapis
- aso
Pangngalan Pambalana
Tumutukoy sa bagay na materyal
Tahas (concrete noun)
Tinutukoy ay diwa o kaisipan at hindi ang materyal na bagay
Basal (abstract noun)
Bahagi ng pananalita na inihahalili o ipinapalit sa pangngalan.
Panghalip
Ano ang mga uri ng panghalip?
- Panao
- Paari
- Pananong
- Pamatlig
- Panaklaw
Magbigay ng halimbawa ng panghalip na panao (tao)
ako - siya
sila - kami
tayo - ikaw
ka - ko
kayo
Magbigay ng halimbawa ng panghalip na paari (possessive)
akin - kaniya
kanila - amin
atin - iyo
Magbigay ng halimbawa ng panghalip na pananong (tanong)
sino - ano
kailan - paano
Magbigay ng halimbawa ng panghalip na panaklaw (scope/parameter)
simoman - anoman
kaninoman - kailanman
Magbigay ng halimbawa ng panghalip na pamatlig (nagtuturo)
dito - doon
diyan - ito
iyan - iyon
ganito - ganiyan
ganoon
Salitang tumutukoy sa kilos o galaw o ganap ng salita
Pandiwa
Ano-ano ang mga tanda ng paksa (subject)?
Ang, Ang mga, Si, Sina, Ako
Siya, Kami, Sila, Ikaw, Tayo
Tawag sa relasyong pansemantika / ugnayan ng pandiwa at paksa ng pangungusap.
Pokus ng Pandiwa
Ano-ano ang mga pokus ng pandiwa?
- Pokus ng Tagaganap
- Pokus sa Tagatanggap
- Pokus sa Layon
- Pokus sa Kagamitan / Instrumento
- Pokus Direksyon
- Pokus sa Ganapan
- Pokus Sanhi
Ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos. (tao)
Panlaping ginagamit:
mag-
-um-
mang-
maka-
makapag-
Pokus sa Tagaganap / Aktor Pokus
Ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang paksa. (tao)
Panlaping ginagamit:
i-
ipang-
ipag-
Pokus sa Tagatanggap / Benepaktib Pokus
Ang tumatanggap ng kilos ay isang bagay. (bagay)
Panlaping ginagamit:
i-
-an
ipa-
-in-
Pokus sa Layon
Ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ay siyang paksa ng pangungusap. (bagay)
Panlaping ginagamit:
ipina-
ipang-
maipang-
Pokus sa Kagamitan / Instrumento
Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa. Ang pandiwa ay galing sa isang lugar papunta sa ibang lugar. (may travel/ movement) (lugar)
Panlaping ginagamit:
-in
-an
-han
Pokus Direksyon
Other words:
lakad - punta
tungo - pasyal
takbo
Ang paksa ay lugar o ganapang kilos. Ang lugar ay mismong ginanapan ng pandiwa. (walang travel/ movement) (lugar)
Panlaping ginagamit:
-an
-han
pag-an
pinag-an
pang-an
Pokus sa Ganapan
Other words:
upo - tayo
higa - tulog
kain - tanim
luto
Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.
Panlaping ginagamit:
i-
ika-
ikapang-
Pokus Sanhi
Anong pokus ng pandiwa ito?
Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.
Pokus sa Tagaganap
Anong pokus ng pandiwa ito?
Ako ay nagdala ng laruan.
Pokus sa Tagaganap