Mga Pagbabagong Morpoponemiko Flashcards
Makaagham na pag-aaral ng morpema.
Morpolohiya
Pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan. Ito ay salitang ugat din.
Morpema
Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng katabing ponema.
Pagbabagong Morpoponemiko
Ano ang mga uri ng pagbabagong morpoponemiko?
- Asimilasyon
- Pagpapalit ng Ponema
- Metatesis
- Pagkakaltas ng Ponema
- Pag-aangkop
Anumang pagbabagong nagaganap sa /ŋ/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.
Asimilasyon
PAALALA: Ito ay ang lista ng mga Panlapi
- pang
- mang
- sing
- sang
- labing
- kasing
Ano ang nangyayari pag ang kinakalabit na salita ay nagsisimula sa b at p?
- pam
- mam
- sim
- sam
- labim
- kasim
PAALALA: Ito ay ang lista ng mga Panlapi
- pang
- mang
- sing
- sang
- labing
- kasing
Ano ang nangyayari pag ang kinakalabit na salita ay nagsisimula sa d, s, l, r, t?
- pan
- man
- sin
- san
- labin
- kasin
PAALALA: Ito ay ang lista ng mga Panlapi
- pang
- mang
- sing
- sang
- labing
- kasing
Ano ang nangyayari pag ang kinakalabit na salita ay nagsisimula wala sa b, p, d, s, l, r, t?
- pang
- mang
- sing
- sang
- labing
- kasing
Ano ang mga uri ng Asimilasyon?
- Di Ganap na Asimilasyon
- Ganap na Asimilasyon
Ang ponemang /ŋ/ ay nagiging /n/ o /m/ o nanatiling /ŋ/ dahil sa katunog at walang nawawala sa salitang ugat na kinakalabit.
Di Ganap na Asimilasyon
Ang ponemang /ŋ/ ay nagiging /n/ o /m/ o nanatiling /ŋ/ dahil sa katunog at may nawawala sa salitang ugat na kinakalabit.
Ganap na Asimilasyon
Anong uri ng asimilasyon ang mga halimbawang ito?
- pang- + paaralan = pampaaralan
- pang- + bayan = pambayan
- pang- + dikdik = pandikdik
- pang- + luto = panluto
Di Ganap na Asimilasyon
Anong uri ng asimilasyon ang mga halimbawang ito?
- pang- + palo = pampalo = pamalo
- pang- + tali = pantali = panali
- pang- + simula = pangsimula = panimula
Ganap na Asimilasyon
Pinalitan ang letra
PAALA:
Isipin ang salitang ugat at may letra na nagbago/pinalitan.
Pagpapalit ng Ponema
Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/
Halimbawa: (d->r)
- ma- + dapat = marapat
- ma- + dunong = marunong
Pagpapalit ng Ponema (posisyong inisyal)