PANITIKAN Flashcards
Ano ang dalawang anyo ng panitikan?
Prosa at Patula
Anyo ng panitikan na patalata i ang karaniwang takbo ng pangungusap at gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan.
Prosa (Tuluyan)
Ang anyo ng panitikan na pataludtod, may sukat at tugma o malayang taludturan at gumagamit ng maisining at matalinghagang salita.
Patula
Ito ay binubuo ng mga talata at pangungusap.
Prosa
Ito ay binubuo ng mga saknong at taludtod.
Patula
Nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan
Epiko
Isang panitikang patula na nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga panganib at kagipitan.
Epiko
Epiko ng Bicol na hulwaran ng mabuting pamumuhay ng mga taga-Bicol.
Ibalon at Aslon
Pinakamatandang epiko ng Pilipinas
Alim (Ifugao)
According to Otley Beyer (Father of Anthropology of the Philippines)
Pinakamahabang epiko ng Pilipinas
Darangen
Epiko ng Mindanao
Bidasari
Bantugan
Indarapatra at Sulayman
Epiko ng Kabisayaan
Haraya
Lagda
Maragtas (10 datong tumakas pa-Visayas)
Epiko ng Ifugao
Alim
Hudhud
Ito ay isang tulang maromansa na binubuo ng labindalawang pantig bawat taludtud at hango sa tunay na buhay.
Awit
Magbigay ng halimbawa ng Awit
Florante at Laura
Ano ang salitang ibig sabihin ay lumuluha (plorar in Spanish)?
Florante
Ito ay isang tulang maromansa na binubuo ng walong pantig bawat taludtud at kinawiwilihan dahil sa mga mala-pantasyang temang taglay.
Korido
Magbigay ng halimbawa ng Korido
Ibong Adarna (tema - mahika)
Ito’y tulang may labing-apat na taludtud hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.
Soneto
Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao. (pagluluksa)
Elehiya
Magbigay ng halimbawa ng Elehiya
Mi Ultimo Adios
Nagpapahayag ng isang papuri o panaghoy (tao, bagay, kaisipan) o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtud sa isang saknong.
Oda
Ang paghahanap nina Reyna Elena at Constantino sa krus nga pinagpakuan ni Hesus.
Tibag
Nong nakita na ang krus na pinagpakuan ni Hesus, tinawag itong ano?
Santa Cruz (procession)
Ipinapakita ang paglalaban ng mga Kristiyano at Muslim. (sa Europe)
Moro-Moro
Group of people in Mindanao (political word)
Moro-Moro
Dulang musikal na karaniwang binubuo ng tatlong akto tungkol sa pag-ibig, kasakiman, at poot.
Zarzuela
Sikat sa panahon ng mga Kastila
Zarzuela
Siya ay kilala sa tawag na Lola Basyang.
Serverino Reyes
Siya ang Ama ng Zarzuelang Tagalog
Serverino Reyes
Siya ang sumulat ng dulang musikal na Walang Sugat
Serverino Reyes
Patulang pagtatalo na higit na nakilala sa pagtangkilik sa Sisne ng Panginay (Ang gansa ng Panginay).
Balagtasan
Siya ay kinilala bilang Hari ng Balagtasan
Jose Corazon De Jesus (unang nanalo sa unang balagtasan)