Uri ng Teksto Flashcards
Sa tekstong ito inilalahad ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa. Sa bahaging ito nagkakaroon ng panibagong kaalaman ang mga mambabasa sa impormasyong ibinabahagi ng may-akda. Ang layunin nito ay magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa
Impormatibong Teksto (Informative Text)
Salitang Ingles kung saan nagmula ang salitang impormatibo
Inform
Paglalarawan ng pisikal na katangian ng mga tauhan, lugar at mga bagay na binibigyang-halaga sa kwento. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Nagbibigay ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pahayag
Deskriptibong Teksto
2 URI NG DESKRIPTIBO
- Karaniwan
* Masining
Kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas
Karaniwan
Kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda. Gumagamit ito ng pang-uri, pang-abay, tayutay at idyoma
Masining
Tumutukoy sa tekstong naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap, nagaganap o magaganap pa lamang. Ito ay karaniwang kronolohikal o nakabatay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Maaari ring magsalaysay dito ng mga pangyayaring pawang kathang-isip lamang
Tekstong naratibo
Nagbibigay ang may-akda ng sapat na pagpapatunay o katibayan sa paksang tinatalakay upang mahikayat ang mambabasa na paniwalaan o tangkilikin ito. Layunin nito na kumbinsihin, hikayatin, o himukin ang mambabasa na suportahan o sang-ayunan ang paksa, sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa manunulat
Tekstong persuweysib
Naglalahad ng isang proposisyon ang may-akda na kakikitaan ng isang matibay na ideya at makabuluhang detalye upang mahikayat ang mambabasa na tanggapin at suportahan ang inihain na proposisyon
Tekstong argumentatibo
Nag iisa-isa ng mga serye sa paggawa ng isang bagay o produkto. Naglalayon itong ipabatid ang wastong mga hakbang o magbigay ng kaalaman sa maayos na pagkakasunod-sunod ng isang gawain. Ito ay tumutugon kung paano sinisimulan at tinatapos ang isang bagay
Tekstong prosidyural
4 NA BAHAGI NG TEKSTONG PROSIDYURAL
- Panimula
- Materyales
- Hakbang sa paggawa
- Konklusyon
Ano ang gusto mong kalabasan pagkatapos gawin ang proseso
Panimula
Anu-ano ang mga kakailanganin? Siguraduhin na tiyak o may sukat/bilang ang mga ito
Materyales
Siguraduhin na sunod-sunod ang ibibigay na pamamaraan
Hakbang sa paggawa
Ito ay maikling pangungusap na tungkol sa mga iba pang maaaring ipayo o mga babala sa mga gagamitin na materyales
Konklusyon