Pananaliksik Flashcards
6 NA SALITANG MAY KAUGNAYAN SA PANANALIKSIK
- Pagsisiyasat
- Paglulutas
- Pagsagot
- Pangangalap
- Pagsusuri
- Pag-oorganisa
Sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutad ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyon ng tao
Pananaliksik
Ayon sa kanila, ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon para malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong paraan
Manuel at Medel
Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik
Parel
Layunin ng pananaliksik na ito na alamin ang isang teorya ay makatotohanan at katanggap-tanggap. Kailangan ding maging maingat at mapanuri ang mananaliksik
Puro o Pangunahing Pananaliksik
Gumagamit ang mananaliksik ng mga teorya o kinikilalang prinsipyo bilang paraan ng pagtugon sa isang isyu o suliraning hinahanap sa pananaliksik. Ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik sa negosyo, medisina, teknolohiya at edukasyon
Praktikal o Aplikadong Pananaliksik
Sa pananaliksik na ito gumagamit ng estadistika upang suriin ang datos na nakalap at malaman ang tiyak na resulta. Ginagamit ang ganitong uri kung may pag-aaral na paghahambingin o kung nais ipakita ang ugnayan ng sanhi at bunga
Kwantitatibong Pananaliksik
Sa pananaliksik na ito inilalarawan ang mga ugnayan ng mga datos na nakalap mula sa panayam o obserbasyon. Ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik sa pag-aaral ng kasaysayan, antropolohiya, at agham panlipunan
Kwalitatibong Pananaliksik
Kinakailangan ang kritikal at mapanuring pag-iisip ng mananaliksik. Matapos masuri ay ipapaliwanag ng mananaliksik kung may natuklasan siyang detalye na magpapatunay dito
Mapanuring Pananaliksik
Sa pananaliksik na ito kinakailangan ng malawak at masusing pagsisiyasat ng impormasyong nakalap upang makahanap ng bagong kaalaman o mapatunayan ang naunang pag-aaral
Holistikong Pananaliksik
Sa pananaliksik na ito sinusuri ng mananaliksik ang kahalagahan ng isang programa batay sa mga impormasyong nakalap na maaaring pagbatayan ang katulad na programa at masiyasat kung ito ay mabisa at maayos
Ebalwatibong Pananaliksik
Sa paraang ito layunin ng mananaliksik na gamitin ang impormasyong nakalap upang makapagbalangkas, makabuo at makapagsuri ng mga programa alinsunod sa kinikilalang angkop na batayan o pamantayan
Maunlad na Pananaliksik
Layunin nito ang makahanap ng bagong kaalaman at mapalawak ang kaalaman sa pag-aaral. Tignan kung may nadagdag na mahalagang impormasyon sa paksang tinatalakay
Pagalugad na Pananaliksik
Sa pananaliksik na ito nagbibigay ng tiyak na paglalarawan ng mga katangian ng tao, pangkat o sitwasyon. Layunin nito na tuklasin kung may bagong kahulugan at impormasyon na nakalap
Deskriptibong Pananaliksik
Sa pananaliksik na ito, layunin ng mananaliksik na alamin ang epekto ng isang pagsubok, eksperimento, o programa ng pangkat na sumailalim dito at ihambing ang resulta nito sa parehong pagsubok
Eksperimental na Pananaliksik