Kabanata 1 Flashcards
Ito ay binubuo ng mga talata na nagbibigay ng pahapyaw na kaalamang magiging mabisa sa pagtalakay ng mga sumusunod a bahagi. Kailangang ito ay nakakapukaw ng atensyon, kawili-wiling basahin at nagsasaad din ng kahalagahan ng paksa
Panimula
Tinatalakay sa bahaging ito kung kailan, paano at saan nagsimula ang suliranin. Isinasama rito ang mga sitwasyon sa nakaraan tungo sa kasalukuyan at kung bakit kailangang bigyang-pansin ang paksang napili
Kaligiran ng Pag-aaral
Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik dahil nakasentro dito ang pag-aaral. Kung wala ito walang pag-aaral na magaganap
Suliranin ng Pag-aaral
2 PARAAN NG PAGLALAHAD NG SULIRANIN
- Patanong (question)
* Papaksa (statement)
Kadalasang ginagamit ang ano, paano, gaano at iba pa
Patanong (question)
Ginagamit sa pangkalakalang pananaliksik
Papaksa (statement)
Pagsasaalang-alang ng mga teorya na hango sa mga naisagawang pananaliksik
Batayang Teoretikal
Likha o gawa ng kasalukuyang mananaliksik
Batang Konseptwal
Ito ay ang pansamantalang hinuha o hula sa maaaring kalabasan ng isinasagawang pananaliksik. Ito ay maaaring tanggapin o hindi tanggapin batay sa kalabasan ng pag-aaral. Sa pagbuo nito ay kailangang ito ay tiyak, may pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol, masusubukan, masusuri at malinaw
Haypotesis
Tumutukoy sa lugar kung saan isasagawa ang pag-aaral, panahon kung kailan isasagawa ang pag-aaral, sino ang mga kalahok at ilan sila
Saklaw
Bahagi ng imbestigasyon na maaaring makaapekto sa results ng pag-aaral. Tinutukoy dito ang hindi kasangkot sa gagawing pag-aaral upang mas maging tiyan at maiwasan ang malaking sakop na iikutan ng pananaliksik
Limitasyon
Ilang mga piling salita na ginagamit sa pananaliksik. Ibinibigay ang kahulugan ng mga ito upang malaman ng mga mambabasa ang kahulugan nito
Katawagan o Terminolohiya
2 URI NG PAGBIBIGAY KAHULUGAN
- Konseptwal na Kahulugan
* Operasyunal (Operational Definition)
Tumutukoy ito sa mga kahulugang kinuha sa diksyunaryo at iba pang aklat na naglalaman ng pangkalahatang kahulugan ng salita
Konseptwal na Kahulugan
Tumutukoy sa kahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit nito sa iyong pananaliksik. Sa ibang salita, ito ang kahulugang konteksto sa pananaliksik
Operasyunal (Operational Definition)