Kabanata 3 Flashcards
Ito ay nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Tumutukoy rin ito sa gagamiting metodolohiya ng pananaliksik na maaaring palarawan, historical, o kaya’y eksperimental
Disenyo at Metodo
Ang pangunahing layunin ng disenyong ito ay mailarawan ang kalikasan ng sitwasyon habang ito’y nagaganap sa panahon ng pag-aaral. Ito ay may kinalaman sa kondisyon ng mga ugnayang umiiral, paniniwala at mga proseso
Palarawan (Descriptive)
2 URI NG PALARAWANG PARAAN
- Pag-aaral ng kaso
* Dokumentaryong Pagsusuri
Pag-aaral sa tiyak na tao o grupo sa loob ng isang tiyak ding panahon. Karaniwan ang pokus ay sa pag-unawa ng mga kinikilos ng tao
Pag-aaral ng kaso
Pagkalap ng mga datos na magiging lunsaran sa anumang gagawing pagsusuri. Ang karaniwang sinusuri sa anumang akdang pampanitikan, maging popular man o tradisyun ay ang nilalaman at istruktura nito
Dokumentaryong Pagsusuri
Ito ay nakatuon sa mga nakaraang pangyayari na iniuugnay sa pangkasalukuyan at panghinaharap na panahon. Dito susuriin ng mananaliksik ang mga pangyayari sa kasaysayan at buhay ng isang tao na may kinalaman sa mga ito
Pangkasaysayan (Historical)
Ito ang pinakatanyag na pamamaraan sa mga sanghay ng agham tulad ng sosyolohiya, sikolohiya, pisika, kimika, biyolohiya, medisina at iba pa. Sinusubok nito ang haypotesis sa pamamagitan ng eksperimento. Sinusuri ang pagkakatulad o pagkakaiba ng resulta ng dalawang baryabol
Eksperimental
Ito ang iimbestigahan
Eksperimental na grupo
Ito ang gumagamit ng dati ng sistema
Kontroladong grupo
Tumutukoy sa tiyak na bilang at uri ng mga taong kasangkot sa isasagawang pag-aaral na pagkukuhanan ng impormasyon o datos na kinakailangan
Populasyon
Isinasagawa sa buong target ng populasyon
Sensus
Ang pagkuha ng bilang ng kalahok sa pamamagitan ng pagpili sa anumang sampling teknik sa isasagawang pag-aaral
Sampol
4 NA IBA’T IBANG URI NG SAMPLING
- Payak na Random Sampling
- Sistematikong Sampling
- Istratifayd Sampling
- Clustering Sampling
Nabibigyan nito ng pagkakataon ang lahat ng yunit o bahagi ng populasyon na napili
Payak na Random Sampling
Ang kabuuang bilang ng yunit ay hinahati sa balak na laki ng sample
Sistematikong Sampling