Pagbasa sa Iba't ibang Disiplina Flashcards
Tumutukoy sa mga nakasulat na simbolong nagkakaroon ng kahulugan habang ito ay binabasa. Ito ay ang mga salitang bumubuo sa isang akdang binabasa. Nagtataglay ito ng mayamang ideya at impormasyon
Teksto
Tumutukoy sa mga akda o babasahing ginagamit sa pag-aaral tulad ng teksbuk
Tekstong Akademik
Panahon kung kailan nagsimula ang pagbibigay ng tuon at pagpapahalaga sa tekstong akademik. Sa panahong ito, naging sikat ang mga pag-aaral o kaisipang inilatag ng mga dalubhasa sa agham, pilosopiya, at politika
Panahon ng Pagkamulat (Age of Reason o Intellectual Revolution)
Saan at kailan nagmula ang Panahon ng Pagkamulat?
Europa, ika-18 siglo
5 DISIPLINA SA ILALIM NG TEKSTONG PANG-AKADEMIKO
- Teolohiya (Theology)
- Politika (Politics)
- Sining (Arts)
- Panitikan (Literature)
- Agham (Science)
Kahulugan ng salitang Theo
Diyos
Kahulugan ng salitang logos
Pag-aaral
Pinag-aaralan sa disiplinang ito ang mga ideya o konsepto tungkol sa Diyos at kung paano nakaaapekto ang ganitong paniniwala sa pananampalataya ng isang tao
Teolohiya (Theology)
Dito nagmula ang salitang politika na tumutukoy sa mamamayan
Politikos o Polis
Ito ang agham at sining ng pagpapatakbo ng pamahalaan
Politika (Politics)
Dito matututunan ng mga estudyante na maging malikhain sa pagpapahayag ng kanilang ideya o damdamin. Ito ay may mga uri (plastiko, itinatanghal, praktikal)
Sining (Arts)
Ito ay masining at malikhaing pagtatanghal ng ideya. Dito malalaman ng mga estudyante ang iba’t ibang uri nito tulad ng tula, maikling kwento, sanaysay, at nobela
Panitikan (Literature)
Proseso ng sistematikong pagtamo ng kaalaman. Dito mauunawaan at masusuri ang mundong ginagalawan sa pamamagitan ng pagmamasid at pagtuklas
Agham (Science)
Sistematikong pagsusuri ng mga modelo ng kayarian, pagbabago, at espasyo. Natututunan dito ang mga konsepto na may kinalaman sa BILANG at ang OPERASYON O RELASYON nito
Sipnayan o Matematika
Dito matututunan ang tamang paggamit ng mga salita na laganap sa isang sambayanan. Dito tayo natututo upang ipahayag ang ating nararamdaman, ideya, at nakakapagpalaganap ng impormasyon sa iba’t ibang paraan
Wika (Language)
Dito hango ang salitang Ekonomiya na nangangahulugang pangangasiwa ng pangangailangan ng tahanan
Oikonomia
Ito ay ang pag-aaral sa kilos at pagsisikap ng tao sa paraan ng paggamit ng limitadong pagkukunan ng yaman. Mapag-aaralan dito ang: mahahalagang salik na nakakaapekto sa pamumuhay ng mamamayan at mga isyu ng kakapusan ng mamamayan, trabaho, kahirapan, at marami pang iba na tumutukoy sa problema at sakripisyo ng bawat mamamayan
Ekonomiya (Economics)