Pagbasa Flashcards
5 MAKRONG KASANAYAN
- Pakikinig
- Pagsasalita
- Pagsusulat
- Pagbabasa
- Panonood
Isang kakayahan kung saan nakikilala ng mambabasa ang nakasulat na simbolo at nauunawaan ang kahulugan nito.
Pagbasa
Ayon sa kanya, ang pagbasa ay tumutukoy sa aktibong dayalogo na namamagitan sa may-akda at mambabasa. Dagdag pa riyan, ito ay kasanayang tumutulong sa tao sa pagtuklas ng mga tugon sa mga katanungang may kaugnayan sa pagkalalang upang mabatid ang mga hiwaga ng kalikasan at sa pag-unawa sa realidad ng buhay
Villamin Et. Al (1998)
Ayon sa kanya, ang pagbasa ay hindi lamang pagpapakilala sa mga simbolong nakalimbag kundi pagkuha ng kahulugan ng nakalimbag na simbolo sa pamamagitan ng wastong pag-unawa at pagpapakahulugan sa mensahe at layunin ng sumulat
Koch Et. Al (1982)
Ayon sa kanya, ang pagbasa ay sumasaklaw sa apat na proseso tulad ng pagkilala sa salita, pag-unawa sa kahulugan ng salita, pagreak sa kahulugan ng salita sang-ayon sa nalalaman ng bumabasa at pag-uugnay ng idea sa kaligirang kaalaman ng bumasa
Gray (1956)
Ayon sa kanya, ang pagbasa ay pagdadala at pagkuha ng kahulugan sa nakalimbag na pahina. Ipinahihiwatig nito na dinadala ng mga mambabasa ang kanilang kaligirang kaalaman, karanasan at emosyon sa kanilang binasa
Rubin (1983)
Ang pagkilala sa mga salita at pag-unawa sa ibig sabihin ng binasang teksto, matutunghayan dito ang malalim na pagsusuri ng mambabasa tungkol sa mensaheng nais ipahiwatig ng akdang binasa
Kritikal ng pagbasa
6 NA KAKAYAHAN O KASANAYAN NA KAILANGAN NG MAMBABASA
- Word perception/recognition
- Comprehension
- Fluency
- Decoding
- Vocabulary
- Literary appreciation
Nakakakilala ng mga salita
Word perception/recognition
Nakauunawa sa tekstong binasa
Comprehension
Nakauunawa sa bawat salitang teksto at may katatasan dito
Fluency
Nabibigkas ng wasto ang mga titik na bumubuo sa salita
Decoding
Nababatid ang kahulugan at gamit ng salita sa pangungusap o may kakayahang bokabularyo
Vocabulary
Nagpapakita ng pagpapahalaga sa panitikan
Literary appreciation
4 NA TEORYA SA PAGBASA
- Teoryang Bottom-Up
- Teoryang Top Down
- Teoryang Interaktibo
- Teoryang Iskema