Q1 KOMPAN(WORK IN PROGRESS) Flashcards
Enumerate:
Mga Katangian ng Wika
- Ang wika ay masistemang balangkas
- Ang wika ay sinasalitang tunog
- Ang wika ay arbitraryo
- Ang wika ay komunikasyon
- Ang wika ay pantao
- Ang wika ay kaugnay ng kultura
- Ang wika ay instrumento ng komunikasyon
- Ang wika ay natatangi
Isinaayos ang mga tunog sa masistemang paraan para makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng salita
Ang wika ay masistemang balangkas
Sinasalita na galing sa magkasunod sa magkakasunod-sunod na tunog na humuhugis sa paraan ng mga iba’t ibang kasangkapan sa papgsasalita.
Ang wika ay sinasalitang tunog
Ang mga salita ay tumututok sa mga salitang simbolo.
Ang wika ay arbitraryo
Arbitraryo - Napagkasundoan
Ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap na mga tao.
Ang wika ay komunikasyon
Ang wika ay eksklusibong pag-aari ng mga tao
Ang wika ay pantao
Taglay ng wika ang kultura ng lipunang pinagmulan nito.
Ang wika ay kaugnay ng kultura
Kailangang gamitin ng wika bilang instrumento sa komunikasyon.
Ang wika ay instrumento ng komunikasyon
Walang dalawang wika na magkatulad. Ang bawat wika ay may sariling sistema ng palatuntunan.
Ang wika ay natatangi
Sinasabi na…
“Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasang mga tanong nasa iisang kultura.”
Henry Allan Gleason (1961)
Sandatang tangan-tangan ng tao sa bawat minutong siya ay nabubuhay sa mundo.
Wika
Pangunahin wika na ginagamit at mauunawaan ng mamamayan.
Wikang Pambansa
Ginagamit na midyum o daluyang ginagamit sa paaralan.
Wikang Panturo
Dalawang wika na ginagamit sa paaralan.
Ingles at Filipino
Asignaturang nagbibigay diin sa paggamit ng mga katutubong wika bilang unang wika
Mother Tongue
Wikang itinatadhana ng batas bilang wikang gagamitin/ginagamit ng mga opisyal na komunikasyon ng gobyerno.
Wikang Opisyal
Tumutukoy sa paggamit ng dalawang wika na pantay ang husay.
Bilingguwalismo
Tumutukoy sa taong kayang gumamit ng dalawang wika na pantay ang kahusayan.
Bilingguwal
Ito ang pinapairal na patakarang pangwika sa edukasyon.
Multilingguwalismo
Ito ay tinatawag ding “wikang sinuso sa ina” dahil ito ang unang wikang natututunan ng isang bata.
Unang Wika
Ito ang tawag sa iba pang wikang matutuhan ng isang tao pagkaraang matutunan ang kaniyang unang wika.
Pangalawang Wika
Ang pambansang wika ng Pilipinas
Filipino
Sa batas na ito isinasaad na “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987
XIV ay 14
Ano ang ibang tawag dito?
Amoy singaw ng kanin na nasusunog
Alimpuyok
Ano ang ibang tawag dito?
Karpintero
Anluwage
Tagalog ng oyster
talaba
Ito ang salitang ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na lugar, bayan, relihiyon, o lalawigan na kanyang kinabibilangan.
Barayti at Rehistro ng Wika
Dayalek
Ang ang halimbawa ng Dayalek?
Bulaceño
Batangeño
Caviteño
Paalala: Ang Bicolano, Kapampanga, Ilocano, Tagalog, Hiligaynon, Bisaya, atbp. ay mga lengguwahe, hindi dayalekto.
Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan ng tanong gumagamut ng wika(paniniwala, edad, at kasarian)
Barayti at Rehistro ng Wika
Sosyolek
Ano ang halimbawa ng Sosyolek?
Barayti at Rehistro ng Wika
Gaylingo
Konyo
Taglish
Code switching
Jejemon
Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa.
Barayti at Rehistro ng Wika
Idyolek
Natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat na nag papakilala sa kanyang trabaho o gawain.
Jargon
Naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit nya sa sitwasyon at sa kausap.
Rehistro
Baryasyon ng wika na natutunan sa tahanan.
Ekolek
Isang uri ng barayti ng wika na nadedebelop mula sa salita ng mga etno lingguwistikong grupo.
Etnolek