PT7 Flashcards
Itinatag ng Republika ng Biak-naBato ang Tagalog bilang opisyal na wika ng pamahalaan. Bagaman hindi pa ito ang pormal na pambansang wika, nagsilbi itong unang hakbang tungo sa pagkakaroon ng sariling wika ng mga Pilipino bilang pagkakakilanlan sa gitna ng pakikibaka laban sa kolonyalismo
Konstitusyon ng Biak-na-Bato (1897)
Itinatag ng pamahalaan ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) upang pag-aralan ang mga umiiral na wika sa bansa at tukuyin kung aling wika ang magiging batayan ng pambansang wika. Sa pag-aaral ng SWP, napili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil sa lawak ng gamit at sa masaganang panitikang nasusulat dito.
Batas Komonwelt (1936)
Sa panahong ito, ginamit ng mga Amerikano ang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan. Bagaman Ingles ang pangunahing wika, nagpatuloy ang paggamit ng mga wikang katutubo, lalo na ang Tagalog, sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay. Ipinakilala rin ang PAGGAMIT NG MGA LOKAL NA WIKA sa pagtuturo sa primaryang antas, na nagbigay-daan sa mas sistematikong pagtuturo at pag-aaral ng mga wikang katutubo.
Panahon ng Amerikano (1901-1935)
Sa panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon, ipinahayag na ang wikang pambansa ay ibabatay sa Tagalog. Ito ang unang pormal na hakbang upang kilalanin ang isang pambansang wika na nagbigaydaan sa mas sistematikong pagtuturo, pagsulat, at pagsasalita ng wikang Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
Sinimulan ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan noong 1940 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Nagsilbing paraan ito upang maipakilala ang pambansang wika sa kabataan.
Pagpapalaganap ng Wikang Pambansa (1940)
Pinalitan ng mga Hapones ang Ingles ng mga wikang katutubo, partikular na ang Tagalog, sa mga paaralan at opisina bilang bahagi ng propaganda para sa GREATER EAST ASIA CO-PROSPERITY SPHERE. Dahil dito, mas lumawak ang paggamit at pagtuturo ng Tagalog, na lalong nagpatibay sa papel nito bilang pambansang wika
Panahon ng Hapon (1942-1945)
Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ramon Magsaysay, iprinoklama ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29 hanggang Abril 4. Noong 1955, inilipat ito sa Agosto 13-19 bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Quezon, ang “Ama ng Wikang Pambansa.”
Proklamasyon Blg. 12 at 186 (1954-1955)
Unang pagdiriwang ng Linggo ng Wika
Marso 29 hanggang Abril 4
Bagong pagdiriwang ng Linggo ng Wika noong 1955
Agosto 13-19
Sa ilalim ni Kalihim Jose Romero, ipinahayag na ang “Pilipino” ang magiging opisyal na katawagan sa wikang pambansa upang higit na maging inklusibo ang konsepto ng pambansang wika na binubuo ng iba’t ibang katutubong wika
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959)
Inatasan ang Batasang Pambansa na magsagawa ng mga hakbang para sa pagpapaunlad at pormal na pagaampon ng isang “wikang pambansang tatawaging Pilipino.” Ang hakbang na ito ay nagbigay-daan sa mas aktibong pagkilala sa iba pang mga wikang katutubo bilang bahagi ng paghubog ng wikang pambansa.
Konstitusyong 1973
Ipinatupad ang Patakarang Bilingguwalismo sa edukasyon, kung saan gagamitin ang parehong Ingles at Filipino bilang mga wikang panturo sa mga paaralan. Nagdulot ito ng mas malawak na pagtuturo at paggamit ng Filipino sa sistema ng edukasyon.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974)
Nagbigay ng pormal na pagkilala sa Filipino bilang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Nakasaad din dito ang tungkulin ng pamahalaan na itaguyod at payabungin ang paggamit ng Filipino bilang isang dinamikong wika na bukas sa pag-aambag ng iba’t ibang wika ng Pilipinas.
Konstitusyong 1987
Ipinag-utos ni Pangulong Corazon Aquino ang paggamit ng Filipino sa lahat ng opisyal na komunikasyon, transaksiyon, at korespondensiya sa pamahalaan. Ito ay nagpalakas ng paggamit ng Filipino sa pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 (1988)
Lumawak ang paggamit ng Filipino sa midya, agham, batas, edukasyon, at kultura. Mas dumami rin ang mga pananaliksik at babasahin tungkol sa wikang Filipino.
2000s