Lesson 1 Flashcards
ang wika ay MASISTEMANG BALANGKAS ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.
Gleason (1961)
ang wika ay isang SISTEMANG ARBITRARYO ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-ugnayan.
Finnocchiaro (1964)
ang wika ay isang Sistema ng mga SIMBOLONG ARBITRARYO ng mga tunog para sa komunikasyong pantao.
Sturtevant (1968)
ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng SIMBOLIKONG PANTAO. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura.
Hill (1976)
ang wika ay masasabing sistematiko. SET NG MGA SIMBOLIKONG ARBITRARYO, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao.
Brown (1980)
ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag.
Bouman (1990)
ang wika ay KALIPUNAN NG MGA SALITAng ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.
Webster (1990)
ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng SIMBOLIKONG CUES na maaaring berbal o di-berbal.
Bernales et al. (2002)
binabanggit na may mahalagang ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sapagkakaunawaan.
Mangahis et al. (2006)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraanng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang grupo ng mga tao.
Constantino at Zafra
Ang wika ay parang HININGA. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.
Bienvenido Lumbera
Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa Lipunan.
Alfonso O. Santiago. (2003)
Ang wika ang pangunahing _________ sa pakikipagkomunikasyon.
instrumento
Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang itoay malaya at may ________.
soberanya
Wika ang nagsisilbing _________ at tagapagpalaganap ng
mga karunungan at kaalaman.
tagapagingat