Lesson 4 Flashcards
Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan. Ito ang susi sa
pagkakaisa at pagkakaunawaan.
Shakespeare
Mahalagang instrumentong nag-uugnay sa bawat isa sa lipunan.
Wika
ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan. Sila ay namumuhay, nakikisama, at nakikipagtalastasan sa bawat isa.
Mga tao sa lipunan
isang sociologist na nagsabing nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook
Durkheim (1985)
Nakapagpapanatili/ nakapagpapatatag ng relasyong sosyal
Interaksyonal
Tumutugon sa mga pangangailangan
Instrumental
Kumukontrol o gumagabay sa kilos/asal ng iba
Regulatori
Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
Personal
Nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan
Imajinativ
Naghahanap ng mga impormasyon/datos
Heuristiko
Nagbibigay ng impormasyon/datos
Informativ
Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag
Representativ
Isang bantog na iskolar mula sa Inglatera. Ibinahagi sa nakararami ang kaniyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang penomenon. Naging malaking ambag niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang modelo ng wika, ang systematic functional linguistics
Michael Alexander Kirkwood Halliday
Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon
Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive)
Panghihimok at pag-iimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap
Panghihikayat (Conative)
Pakikipag-ugnayan sa kapwa at makapagimula ng usapan
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
Gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maiparating ang mensahe at impormasyon
Paggamit bilang Sanggunian (Referential)
Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual)
Masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.
Patalinghaga (Poetic)
ay ang paggamit ng mga panghalip o iba pang salitang tumutukoy sa naunang nabanggit na tao, bagay, o ideya sa teksto
Reperensiya (Reference)
Kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung sino o ano ang tinutukoy. Nasa hulihan ang panghalip
Anapora
Kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag pinagpatuloy ang pagbabasa.
Katapora
Ito ay ang pagpapalit ng ibang salita sa halip na ulitin ang naunang salita, upang maiwasan ang pag-uulit ng parehong termino.
Substitusyon
May mga bahagi ng pangungusap na binabawas o hindi inuulit dahil
maiintindihan ito batay sa naunang pahayag. Karaniwan itong ginagamit upang maiwasan ang pagiging paulit-ulit ng mga salita.
Ellipsis
Ang mga pang-ugnay ay ginagamit upang pag-ugnayin ang mga
parirala, sugnay, at pangungusap, na nagbibigay linaw sa relasyon ng mga ideya. Nagagamit ito upang maging mas maayos at magkakaugnay ang mga bahagi ng pahayag.
Pang-ugnay
to ay tumutukoy sa paggamit ng mga mabibisang salita upang magkaroon ng pagkakaisa at ugnayan ang mga bahagi ng teksto
Kohesyong Leksikal
Tumutukoy sa pag-uulit ng salita o pagpapalawak sa ideya
Reiterasyon
Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkasama o may kaugnayang kahulugan.
Ang dilaw na saging ay matamis.
Kolokasyon
Tatlong uri ng reiterasyon
Pag-uulit o repetisyon
Pag-iisa-isa
Pagbibigay-kahulugan
Inuulit ang mismong salita
Masarap ang pagkain. Oo, masarap talaga.
Pag-uulit o repetisyon
Pagsasaayos o pagdaraanan ng mga bahagi ng isang bagay
Maraming prutas sa basket: may mangga, saging, at mansanas.
Pag-iisa-isa
Pagpapaliwanag ng isang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba pang impormasyon o detalye.
“Ang ‘pag-ibig’ ay isang malalim na damdamin, isang pakiramdam ng
pagmamahal at pagkalinga sa kapwa.
Pagbibigay-kahulugan