Lesson 3 Flashcards
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.
Wikang Pambansa
Artikulo XIV (14), Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987
Filipino, at hanggat walang ibang itinadhana ang batas, Ingles.
Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles.
Wikang Opisyal
Artikulo IV, Seksiyon 7
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon
Wikang Panturo
Artikulo XIV (14), Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987
tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika. Maaari ring ilapat ang konsepto sa isang buong komunidad kung saan ginagamit ng mga mamamayan ang dalawang magkaibang wika o kaya naman ay ang politikal o institusyonal na pagkilala sa dalawang wika.
Bilingguwalismo
tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika. Sa antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon.
Multilingguwalismo