(2Q) Lesson 1 Flashcards
ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat.
Wika
ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog. Isa tong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan.
Blog
ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi, at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.
Social Media
isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t ibang klase ng telekomunikasyon.
Internet
ay isang paraan ng pagkuha o pangangalap ng mga impormasyon tungkol sa isang partikular na isyu at tungkol sa pangyayari, opinyon, damdamin, gawi at kadahilanan para sa mga piling pagkilos.
Panayam
ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa
pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang mambabasa at
nakikinig.
Balita
itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
dahil sa dami ng mamamayan na naabot nito.
telebisyon
Malakas ang impluwensya ng maga programang gumagamit ng wikang Filipino sa mga nanonood. Hindi kasi uso ang _______ o ________ ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal
mag subtitles o mag dub
Dahil dito 99% ng mga Pilipino ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan
madalas exposure sa telebisyon
sa dalawampung nangungunang pelikulang ipinalalabas noong 2014,
batay sa kinita, _____ sa mga ito ang local na tinatampukan din ng mga lokal na artista.
lima
Sa diyaryo, _______ ang ginagamit sa broadsheet at
_______ sa Tabloid.
Ingles, Filipino
mas binibili ng masa dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit na naiintindihan.
Tabloid
Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay
hindi pormal
site kung saan nagbibigay ng daan sa pagkakaroon ng interaksiyon at komunikasyon
Social networks
site kung saan nagbibigay ng daan uoang magtipon ng impormasyon sa iab’t ibang mga website
Bookmarking Sites