Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework Flashcards
Ang Philippine Risk Reduction and Management Act of 2010 ay may dalawang pangunahing layunin:
- Ang suliranin na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat paghandaan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad; at
- Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang maiwasan at mapababa ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad.
Mga Itinataguyod Ng PDRRM Framework:
• Ang paglutas sa mga hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan.
•Nagmumula sa pagtutulungan at pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, mangangalakal, Non-governmental Organizations (NGO’s), pribadong sector, kasama na ang mga mamamayang naninirahan sa isang komunidad ang pagbuo ng disaster management plan.
• Ang pagbuo ng mga plano at polisiya sa pagharap ng mga hamong pangkapaligiran ng Community Based Disaster and Risk Reduction Management Approach ang itinataguyod ng National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC) sa kasalukuyan.
Ano Ang Community-Based Disaster and Risk Reduction Management Approach (CBDRRM) ayon kina Abarquez at Zubair (2004)?
Isang paraan upang ang mga mamamayan ang siyang tutukoy, susuri, tutugon, susubaybay, at tataya sa mga risk na maaari nilang maranasan lalo na ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad. Isa itong paraan upang maiwasan ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian at maisabuhay ng mga tao sa isang komunidad ang kahalagahan ng pagiging handa. Binibigyang-diin ang bahaging dapat gampanan ng mamamayan sa pagpaplano, pagdedesisyon, at pagsasakatuparan ng mga gawain na may kaugnayan sa disaster risk management. Napakahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan dahil sila ang posibilidad na makaranas ng mga epekto ng kalamidad at sakuna.
Ano Ang Community-Based Disaster and Risk Reduction Management Approach (CBDRRM) ayon kinda Shah at Kenji (2004)?
Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay isang proseso ng paghahanda na nakatuon sa kapakanan ng tao. Ang mamamayan ay nabibigyan ng pagkakataon na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang lugar. Bahagi nito ang pagsusuri sa mga nagpapalubha sa epekto ng hazard at kalamidad tulad ng estrukturang panlipunan, pampulitika, at pang-ekonomiya.
Sa Isang ulat Ng WHO (1989) tungkol sa CBDRRM Approach. Binigayan-diin nito dito na mahalaga Ang aktibong pakikilahok Ng lahat Ng sektor Ng Isang Lugar upang:
(1) mabawasan o mapababa ang epekto ng mga hazard at kalamidad;
(2) magkaroon ng mas maayos na plano na tutugon sa panahon ng kalamidad upang mailigtas ang mas maraming buhay at ari-arian sa halip na umasa lang sa tulong galing sa pambansang pamahalaan; at
(3) mabigyan ng karampatang solusyon ang iba’t ibang suliranin na dulot ng kalamidad dahil sa mas organisadong plano na gawa ng lahat ng sektor ng pamayanan.
Ano Ang bahagijg ginagampanan Ng CBDRRM Approach sa pagharap sa mga hazard at Kalamidad? Bakit kailangan Ang CBDRRM Approach sa pagharap sa mga Hamon st suliraning Pangkapaligiran?
Maipaliwang ito sa layunin Ng CBDRRM na:
•Bumuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran na nakasalalay sa mabuting pagpaplano, pagtataya, at paghahandang nakapaloob sa disaster management plan.
•Maging disaster-resilient ang mga pamayanan at maayos na maisagawa ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach.
Katangian Ng Bottom-Up Approach
• Ang pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa isang pamayanan ay nagmumula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng pamayanan.
• Nabibigyan ng pansin ang magkakaibang pananaw ng iba’t ibang grupo sa isang pamayanan na makatutulong sa paglaban sa mga hazard at kalamidad.
• Ang karanasan at pananaw ng mga taong nakatira sa isang disaster-prone area ang nagiging pangunahing batayan ng plano.
•Ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad ay isa sa mga salik upang maipagpatuloy ang matagumpay na bottom-up approach.
•Kailangan ang maingat at responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal.
•Ang matagumpay na bottom-up strategy ay natatamo dahil sa malawakang partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at pagbuo ng desisyon.
Katangian Ng Top-Down Approach
• Ipinapaubaya sa mas nakatataas na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng mga gawain tulad ng pagpaplano hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad.
Halimbawa: Ang isang barangay na nakaranas ng sakuna at kalamidad ay aasa lamang ito sa tulong at desisyon na Pambayan o Panlungsod na Pamahalaan Kung ang buong bayan o lungsod naman ang nakaranas ng kalamidad ang paraan ng pagtugon ay nakasalalay sa paraan na ipatutupad ng lokal na pamahalaan.
•Karaniwan ang sistemang ito ay laging binabatikos at nakatatanggap ng mga kritisismo sa kadahilanang napapabayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng epekto ng kalamidad at kadalasang hindi nalbibigay ang mga pangangailangan ng mga tao.
•Kadalasan ang pananaw lamang ng namumuno ang nabibigyang-pansin sa paggawa ng plano kung kaya’t limitado ang pagbuo sa disaster management plan.
•Ang mga karanasan, pananaw, at pangangailanagan ng mga mamamayan ay hindi rin nabibigyan ng pansin. Sa kabuoan, nagiging mabagal ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sanhi ng hindi pagkakasundo ng Pambansang Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan tungkol sa mga patakaran at hakbangin na dapat gawin sa panahon o pagkatapos Ng Kalamidad.
Sa Bottom-Up Approach at Top-Down Approach, ano Ang approach na ginagamit Ng CBDRRM?
Ang Bottom-Up Approach
Ano Ang layunin sa proyektong Partnerships for Disaster Reduction-Southeast Asia (PDR - SEA) Phase 4 (2008) na ang National Disaster Coordinating Council (NDCC), (na Kilala ngayon bilang National Disaster Risk Management Council) ng Pilipinas ay kasali?
Ang layunin Ng programang ito ay na maturuan ang mga lokal na pinuno kung paano maauos at maisasama Ang hinahasa Ang kakayahan Ng mga lokal na pamahalaan. Malaki Ang bahaging ginampanan nito sa pagkamit Ng mas mahusay at epektibong disaster management plan.