Mga Paghahandang Nararapat Gawin Sa harap Ng Panganib/Kalamidad Flashcards
Mga Dapat Gawin sa Panahon Ng El Niño at La Niña:
- Ang mga tao ay dapat handa bago pa dumating ang El Niño lalo na sa negatibong epekto nito sa bansa.
2 Dapat iakma ng mga magsasaka ang kanilang mga pananim sa abnormal na panahon at gumawa ng mga paraan upang tumagal ang
patubig kung sakaling ito ay magpatuloy.
- Makiisa at makibahagi sa paglaban sa mga epekto lalo na sa pagtitipid sa suplay ng tubig.
- Dapat malinis ang kapaligiran at hindi barado ang mga daluyan ng tubig upang hindi magdulot ng pagbaha.
Mga Storm Signal ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA)
Public Storm Signal No. 1
Public Storm Signal No. 2
Public Storm Signal No. 3
Public Storm Signal No. 4
Super Typhoon
Ano Ang Public Storm Signal no. 1?
Magiging masama Ang panahon sa loob Ng 36 Oras sa sandalong mailabas Ang public Storm warning.
May paparating na bagyo sa Isang Lugar.
May hanging 30 hanggaang 60kph Ang inaasahan.
Pabugso-bugsong ulan sa loob Ng 36 Oras.
Ano Ang Public Storm Signal No. 2?
Magiging masama Ang panahon sa loob Ng 24 Oras sa sandalong mailabas Ang public Storm Signal.
May paparating na bagyo sa Isang Lugar.
Ang hangin ay may bilis na 60kph hanggang 100kph sa loob Ng 24 Oras.
Ano Ang Public Storm Signal no. 3?
Magiging masama Ang panahon sa loob Ng 18 Oras sa sandaling mailabas.
May paparating na bagyo sa Isang Lugar.
Ang hangin ay may bilis na 100kph hanggang 185 kph sa loob Ng 18 Oras.
Ano Ang Public Storm Signal no. 4?
Magiging masama Ang panahon sa loob Ng 12 Oras sa sandaling mailabas.
May paparating ja bagyo sa Isang Lugar.
Ang hangin ay may bilis na 185 kph o mahigit pa sa loob Ng 12 Oras.
Ano Ang Super Typhoon?
Isang napakalakas na bagyo Ang dating sa Isang Lugar.
Ang hangin ay may bilis na 220 kph o mahigit pa sa loob Ng 12 Oras.
Mga Gawin Bago Ang Bagyo:
- Makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa kalgayan ng bagyong paparating.
- Laging maghanda ng mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa kasama ang mga ekstrang damit, delats, posposro, baterya, at iba pang mahahalagang gamit.
- Ayusin ang mga bahagi ng bahay lalo na ang bubong para maging matibay at makayanan ang malakas na ihip ng hangin.
- Kailangang lumikas kung nakatira sa mababang lugar at delikado sa baha.
Mga Gawin Habang May Bagyo:
- Huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangang lumikas.
- Siguraduhin na nakasara ng maayos ang mga bintana at pintuan.
- Itago na ng maayos ang mga kagamitan bago lilikas, isara ang tangke ng gas, at kailangang nakapatay ang main switch ng kuryente.
- Kung lilikas, siguraduhing may dalang emergency kit.
Mga Gawin pagkatapos Ng Bagyo:
- Manatili sa loob ng bahay kung wala pang opisyal na balita na nakaalis na ang bagyo sa bansa.
- Kung lalabas, mag-ingat sa mga naputol na kable ng kuryente na nakakalat sa daan
- Makinig sa radyo o manood ng TV upang malaman ang pinakahuling balita tungk sa bagyo.
- Siguraduhin na walang buhay na kable o outlet na nakababad sa tubig. Itapon ang mga naipong tubig sa mga gulong, lata, o paso upang hindi pamahayan ng lamok.
Ano Ang Lindol?
Isang pangyayari na nagdudulot Ng Malaking pinsala. Ito at biglaan at mabilis na paggalaw Ng lupa.
Sanhi Ng lindol?
Pagbibiyak at pagbabago ng mga bato sa ilalim Ng lupa habang pinakawalan nito ang puwersa na naipon sa mahabang panahon.
Sila Ang namamahala sa mga kalagayan Ng mga bulkan, lindol at mga tsunami
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS)
Ang Lindol at nasusukat ayon sa na maaaring ilarawan bilang halos did maramdaman, biglaang naramdaman, mahina, katamtaman Ang lakas, malakas, sobrang malakas, mapaminsala, sobrang mapaminsala, malangwasak, at mapanggunaw?
Intensity
Mga Gawin Bago Ang Lindol:
- Makilahok sa mga earthquake drill
- Laging may handang emergency kit na naglalaman ng mga kakailanganin tulad ng bottled water, de-latang pagkain, gamut, at iba pang mahahalagang kagamitan sa panahon ng paglikas.
- Mahalaga rin na maging pamilyar sa mga exit route ng inyong tahanan, lugar ng trabaho, at paaralan. Alamin din kung saan nakalagay ang fire extinguisher at first aid kit.