Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community Based Disaster Risk Reduction And Management Plan Flashcards

1
Q

Ano Ang unang yagto sa CBDRRM plan?

A

Paghadlang at mitigasyon Ng Kalamidad (Disaster Prevention and Mitigation

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ano Ang ikalawang yugto Ng CBDRRM plan?

A

Paghahanda sa Kalamidad (Disaster Preparedness)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ano Ang ikatlong yugto Ng CBDRRM plan?

A

Pagtugon sa Kalamidad (Disaster Response)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ano Ang ika-apat na yugto sa CBDRRM plan?

A

Rehabilitasyon at pagbawi sa Kalamidad (Disaster Rehabilitation and Recovery)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Ang yugtong ito ay tatalakay kung paano mapipigilan o mahahadlangan (prevention) at mababawasan ang panganib (mitigation) na maaaring maidulot ng kalamidad at hamong pangkapaligiran. Kailangang magkaroon ng sapat na kaalaman at pang-unawa ang mga babalangkas ng plano kung ano ang mga panganib, kung sino at ano ang maaaring mapinsala at kung maaari bang hadlangan o mabawasan ang epekto ng kalamidad Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nauuna ang pagtataya sa yugtong ito sa pagbuo ng plano ng Community Based-Disaster Risk Reduction Management.

Sa bahaging ito ng pagpaplano, tinataya ang mga panganib at ang kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad at hamong pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na makukuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad

A

Ang unang yugto: Paghadlang at mitigasyon Ng Kalamidad (Disaster Prevention and Mitigation)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ang unang yugto: Paghadlang at Mitigasyon Ng Kalamidad (Disaster Prevention and Mitigation) ay merong dalawang bahagi, ito Ang:

A
  1. Paghadlang Ng Kalamidad o Disaster Prevention
  2. Mitigasyon Ng kalamidad o Disaster Mitigation
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Sa unang yugto, merong dalawang bahagi, Ang sa unang bahagi, Ang paghadlang, ano Ang napagkalooban nito?

A
  1. Pagtataya Ng Panganib (Hazard Assessment)
  2. Pagtataya Ng kahinaan at kakulangan (vulnerability Assessment)
  3. Pagtataya Ng kapasidas (Capacity Assessment)
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Sa unang yugto, merong dalawang bahagi, sa ikalawang bahagi, Ang mitigasyon sa Kalamidad, ano Ang pinagkalooban nito?

A

Ang pagtataya Ng Peligro (Risk Assessment)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ano Ang pagtaya Ng Panganib (Hazard Assessment)?

A

Ang Pagtataya ng Panganib ay proseso ng pagtukoy o pagkilala sa katagian ng Panganib, pagsusuri sa pinsala na maaaring maidulot nito at pamamahala sa panganib upang maiwasan ang matinding epekto nito sa isang lugar na makararanas ng sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Bakit mahalaga Ang pagsasagawa Ng Pagtataya Ng Panganib (Hazard Assessment)?

A

Upang maunawaan ng isang komunidad ang panganib, sakuna o kalamidad na maaring maranasan sa kanilang lugar at magkaroon ng makabuluhang pagpaplano upang matugunan ito. Sa gagawing pagtataya dapat isaalang alang ang mga katangian ng panganib na maaring maranasan, upang maisagawa ng epektibo ang pagbuo ng plano.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Gabay sa Pagtataya Ng Panganib (Hazard Assessment) sa anyo Ng mga tanong;

A

• Ano ang iba’t ibang uri ng panganib na maaring maranasan sa lugar? •Ano ang maaaring pagmulan ng panganib?
•Sino ang maaaring maapektuhan ng panganib?
•Kailan maaaring maranasan ang isang panganib?
•Gaano katindi o kalawak ang maaaring maging epekto nito?
•May kakayahan ba ang komunidad na tugunan ang hamon o panganib?

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Ang Isa pang paraan Ng Pagtataya upang matukoy Ang panganib na maaaring .aranasan sa Isang particular na Lugar ay Ang pagsasagawa ng?

A

Hazard mapping at timeline of events

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ano Ang Hazard Mapping?

A

Ay ang proseso ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring makaranas ng panganib at ang mga elemento na maaaring maapektuhan nito tulad ng mga imprastraktura, agrikultura at kabuhayan ng mga mamamayan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Ano Ang timeline of events?

A

Ang paggawa ng balangkas ng mga nakaraang pangyayari upang masuri kung ano ang mga panganib na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas itong mangyari, at kung alin sa mga ito ang nagdulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan at kapaligiran.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Ayon sa aklat Nina Anderson at Woodrow (1990) na pinamagatang Rising from the Ashes, Ang Pagtataya sa Kahinaan at Kakulangan ay mayroong tatlong katergorya; Ang?

A
  1. Pisikal o Materyal
  2. Sosyal o Panlipunan
  3. Pag-uugali Ng tao tungkol sa panganib
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Ang kahinaang pisikal o Materyal ay tumutukoy sa ano ayon sa Vulnerability Assessment?

A

Kakulangang pinansiyal at likas na yaman upang makagawa o makapagpatayo ng mga estruktura na kayang hadlangan ang epekto ng kalamidad. Ang isang komunidad na kabilang dito ay maituturing na vulnerable at may Malaking posibilidad na makaranas Ng malawakang hagupit Ng Kalamidad.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
17
Q

Ang kahinaang sosyal o panlipunan ay tumutukoy sa ano ayon sa Vulnerability Assessment?

A

Kawalan ng kakayahan na tugunan o hadlangan Ng pamahalaan at Ng mga mamamayan Ang panganib. Mataas ang posibilidad na madaling maapektuhan o makaranas ng sakuna ang mga komunidad na walang maayos na ugnayan ang mga mamamayan at mahina ang pamamalakad ng pamunuan. Ito rin ay tumutukoy mga programa ng pamahalaan at ang suportang ibinibigay ng mamamayan.

18
Q

Ang pag-uugali Ng tao tungkol sa panganib ayon s Vulnerability Assessment?

A

Nagdudulot din ng kahinaan na maaaring maging dahilan ng mas matinding epekto ng panganib sa isang komunidad. Ang kawalan ng interes at negatibong pagtanggap sa pagbabago ng mga mamamayan ay bahagi sa pagtataya ng kahinaan ng komunidad Ang kakulangan sa kaalaman at epektibong pagtugon sa harap ng panganib ay may malaking kaugnayan sa pagiging vulnerable ng komunidad May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad.

19
Q

Ayon sa pag-aaral ng dalubhasa, kailangang suriin Ang sumusunod na konspeto para sa epektibong pagsasagawa Ng Pagtataya Ng kahinaan at kakulangan:

A
  1. Elementong nalalagay sa panganib
  2. Mamamayag nalalagay sa panganib
  3. Kinaroroonan Ng mga mamamayang nalalagay sa panganib
20
Q

Ano Ang elementong nalalagay sa panganib?

A

Tumutukoy sa lahat ng elemento sa lipunan tulad ng mamamayan, kabahayan, imprastruktura, mga alagang hayop at pananim na maaaring maapektuhan.

21
Q

Ano Ang mamamayang nalalagay sa panganib?

A

Tumutukoy sa mga taong maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad dahil sa kanilang kalagayang pisikal o kawalan ng kakayahan tulad ng mga buntis, may kapansanan, matatanda at mga bata.

22
Q

Ano Ang kinaroroonan Ng mga mamamayang nalalagay sa panganib?

A

Tumutukoy sa lokasyon ng mga taong itinuturing na may mataas na antas na makaranas ng panganib o vulnerable Ang mga naninirahan sa mabababang lugar ay maaring makaranas ng pagbaha at landslide naman sa mga naninirahan malapit sa paanan ng bundok. Ito ay halimbawa lamang ng mga pangkat na itinuturing na vulnerable.

23
Q

Ano Ang Pagtaya Ng Kapasidad (Capacity Assessment)?

A

ay ang proseso ng pagsusuri sa kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard Katulad ng Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan, mayroon din itong tatlong kategorya Pisikal o Materyal, Panlipunan at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard.

24
Q

Ano Ang tatlong katergorya Ng Pagtataya Ng Kapasidad (Capacity Assessment)?

A
  1. Pisikal o Materyal
  2. Panlipunan
  3. Pag-uugali Ng mamamayan tungkol sa Hazard
25
Q

Ano Ang pisikal o Materyal na aspekto ayon sa Capacity Assessment?

A

Sa pisikal o materyal na aspekto tinataya ang kakayahan ng komunidad o ng mga mamamayan na muling bumangon at bumawi pagkatapos na makaranas ng kalamidad Ito ang susukat kung may kapasidad ba ang mga mamamayan na muling manumbalik sa dating pamumuhay. Maitatayo bang muli ang mga nasirang kabahayan, magagawa ba ang mga imprastrukturang naapektuhan, maibabalik ba ang kabuhayan ng mga ordinaryong mamamayan?

26
Q

Ano Ang aspektong Panlipunan ayon sa Capacity Assessment?

A

Sa aspektong panlipunan tinataya ang kakayahan ng isang komunidad na harapin ang panganib at pagsusuri kung epektibo ang plano sa pamamahala sa kalamidad ng pamahalaan. Kabilang din dito ang kakayahan ng mga mamamayan na magtulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga kalamidad. Mayroon bang kongkretong programa na magpapakita ng magandang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan.

27
Q

Ano Ang aspektong pag-uugali Ng mga mamamayan ayon sa Capacity Assessment?

A

Sa aspekto ng pag-uugali ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng kakayahan na ibahagi ang kanilang panahon at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ang komunidad na harapin o muling bumangon mule sa pinsala ng kalamidad. Maayos ba ang pagtanggap ng mga mamamayan sa mga makabagong programa ng pamahalaan.

28
Q

Sa anong pamamagitan magiging matibay Ang kaalaman Ng mga mamamayan tungkol sa mga panganib na maaaring makaapekto sa kanilang komunidad at magkaroon Sila Ng sapat na lagkakataon na maghanda upang maiwasan Ang matinding epekto nito.

A

Pagtataya Ng Peligro (Risk Assessment)

29
Q

Ang mitigasyon Ng Panganib (Sa unang yugto: Paghadlang at Mitigasyon Ng Kalamidad, sa ikalawang bahagi; Ang mitagsyon sa Kalamidad) ay maaaring ikategorya sa dalawa, Ang;

A
  1. Mitigasyong Estruktural
  2. Mitigasyong di-Estruktural
30
Q

Ano Ang mitigasyong Estruktural?

A

Ang Mitigasyong Estruktural ay tumutukoy sa mga pisikal na paghahanda na ginagawa ng isang komunidad upang maging handa sa panahon ng pagtama ng panganib Kabilang sa mga ito ang pagpapagawa ng mga estruktura na hahadlang sa matinding epekto ng kalamidad. Ang paglilinis ng mga baradong kanal, ang pagpapalalim sa mga ilog, pagtatayo ng dike ay nakatutulong upang maibsan ang pagbaha Ang paggawa ng mga gusali ne earthquake proof ay nakakatulong upang mabawasan ang pinsala na maaring maidulot ng paglindol.

31
Q

Ano Ang Mitigasyong di-Estruktural?

A

Ang Mitigasyong Di-estruktural ay tumutukoy sa paghahanda ng pamahalaan at komunidad kabilang sa mga gawain ay ang pagbuo ng plano sa pamamahala sa kalamidad, pagbibigay ng wastong kaalaman sa mga mamamayan at pagpapatupad ng mga programa upang mahadlangan ang malawakang epekto ng kalamidad isang epektibong paraan na mearing gawin sa mitigasyong di estruktural ay ang pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa katangian ng mga panangib na maaring maranasan at ang kahalagahan ng kahandaan Dito masasabi natin na “Ligtas ang may alam”

32
Q

Ano Ang ibig sabihin Ng ikalawang yugto: paghahanda sa Kalamidad (Disaster Preparedness)?

A

Ito ay tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa ng mga mamamayan komunidad at pamahalaan bago ang panahon ng pagtama ng kalamidad o sakuna Se pagkakataong to, mahalaga na magkaroon nang sapat na kaalaman ang lahat ng mamamayan sa mga dapat gawin sa panahon ng pagtama ng kalamidad

Ang aktibong koordinasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan, partisipasyon ng bawa sektor ng lipunan at kooperasyon ng mga mamamayan ang pinakasentrong batayan sa pagkakaroon ng sistematikong paghahanda sa kalamidad Sa pamamagitan ng maayos na paghahanda, maiwasan ang malawakang pinsala na maaaring maidulot ng isang kalamidad isang mahalagang Gawain na napakaloob sa yugtong jto ay Ang pagbibigay Ng paalala at babala Bago tumama o maging sa panahon Ng Kalamidad.

33
Q

Ano Ang tatlong pangunahing layunin sa paghanda sa Kalamidad;

A
  1. Magbigay impormasiyon
  2. Magbigay payo
  3. Magbigay panuto
34
Q

Sa tatlong pangunahing layunin Ng paghahanda sa Kalamidad, ano Ang magbigay impormasiyon?

A

Pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa mga panganib, peligro, kakayahan, at pisikal na katangian ng komunidad na mahalaga sa pagtugon sa kalamidad

35
Q

Sa tatlong pangunahing layunin Ng paghahanda sa Kalamidad, ano Ang magbigay payo;

A

Pagbibigay ng gabay tungkol sa mga nararapat gawin para sa proteksiyon, paghahanda, paghadlang at pag-iwas sa epekto ng kalamidad

36
Q

Sa tatlong pangunahing layunin Ng paghahanda sa Kalamidad, ano Ang magbigay Ng panuto?

A

Paglalahad ng mga hakbang na dapat gawin, ligtas na lugar na dapat puntahan, at mga ahensiya na maaaring lapitan sa panahon ng kalamidad

37
Q

Sa yugtong ito sa paghahanda ng plano sa pamamahala sa kalamidad o CBDRRM plan tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang maaaring maidulot ng isang kalamidad Ang mga impormasyong makakalap ang magsisilbing batayan upang makabuo ng epektibong paraan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan o ng komunidad na makararanas ng kalamidad.

A

Ang ikatlong yugto:Pagtugon sa Kalamidad (Disaster Response)

38
Q

Sa pagsasagawa Ng epektibong pagtugon sa Kalamidad Ang sumusunod na Pagtataya ay nararapat Gawin upang magkaroon Ng konkretong basehan sa pagbuo Ng plano ukol dito;

A
  1. Ang pagtataya Ng pangangailangan (needs assessment)
  2. Ang pagsusuri sa pinsala (damage assessment)
  3. Ang pagtataya Ng pagkawala (loss assessment)
39
Q

Ano Ang pagtataya Ng pangangailangan o needs assessment?

A

Ay ginagawa upang matukoy at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot.

40
Q

Ano Ang pagsusuri sa pinsala o damage assessment?

A

Ay pagtukoy sa lawak ng pinsalang dulot ng kalamidad tulad ng pagkasira ng mga imprastruktura at kabahayan.

41
Q

Ano Ang pagtataya Ng pagkawala o loss assessment?

A

Pagsusuri sa pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng serbisyo o produksyon dulot ng kalamidad katulad ng pagkasira ng mga pananim.

42
Q

Ang yugtong ito ay nakatuon sa Rehabilitasyon at Pagbawi sa kalamidad Sa bahaging ito, sinusuri ang mga nararapat na hakbang at gawain para sa mabilis na pagsasaayos ng mga napinsala ng kalamidad. Ang pagpapanumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ng pamumuhay ng mga mamamayang nasalanta ng kalamidad ang pangunahing tunguhin ng yugtong ito.

A

Ika-apat na yugto: Rehabilitasyon at pagbawi sa Kalamidad (Disaster Rehabilitation and Recovery)