Kontemporaryong Isyu Flashcards
Ano ang ibig sabihin ng salitang “Kontemporaryo”?
-Tumutukoy sa pangyayari sa kasalukuyan na maaaring nakaapekto sa Buhay Ng mga tao sa lipunan.
-Paksang napapanahon na nagiging sanhi ng pagkakabagabag ng mga tao.
-Maaaring pangyayaring naganap sa nakalipas na nakakaapekto hanggang ngayon sa lipunan.
Ano ang ibig sabihin ng salitang “Isyu”?
-Pangyayari, suliranin, o paksa na napag-uusapan at maaaring dahilan o batayan ng debate.
-Maaaring magdudulot ng positibo o negatibong epekto sa pamumuhay Ng mga tao sa lipunan
Ano ang Kontemporaryong Isyu?
Tumutukoy sa anumang pangyayari, paksa, tema, opinion, o ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
Sinasaklaw nito ang lipunan at kultura at may tuwirang ugnayan sa interes at gawi ng mga mamamayan.
Maaaring nagaganap o umiral sa nakalipas na panahon ngunit nananatiling litaw ang epekto nito sa kasalukuyan.
Maaaring magdulot ng positibo o negatibo sa buhay ng mga tao sa lipunan.
Ano Ang Apat na Uri Ng Kontemporaryong Isyu?
- Kontemporaryong Isyung Panlipunan
- Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan
- Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran
- Kontemporaryong Isyung Pangkalakalan
Ano Ang Kontemporaryong Isyung Panlipunan?
Isyu o mahalagang pangyayari na may Malaking epekto sa iba’t ibang sektor Ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, paaralan, at ekonomiya
Halimbawa: pag-aasawa Ng mga may parehong kasarian, terorismo, rasismo.
Ano Ang Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan?
Isyu na may kaugnayan sa kalusugan na maaaring nakabubuti o Hindi nakabubuti sa mga tao sa lipunan.
Halimbawa: Covid-19, Drug addiction, Aids/HIV
Ano Ang Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran?
Isyung may kinalaman sa kapaligiran at ma usapin sa pagpapaunlad at tamang paggamit sa ating kalikasan.
Himbawa: global warming, paglindol, baha
Ano Ang Kontemporaryong Isyung Pangkalakalan?
Suliraning may kinalaman sa globlisasyon at negosyo, Kasama dito Ang mga usapin o Isyung pang-ekonomiya
Halimbawa: import/export, online shopping, free trade
Saan Tayo makakasipi o maka-alam Ng mga Isyu?
Sa;
1. Print Media
2. Visual Media
3. Online Media
Ano Ang Print Media?
Halimbawa: Komiks, magazine, diyaryo
Ano Ang Visual Media?
Halimbawa: Balita, pelikula, dokyumentaryo
Ano Ang Online Media?
Halimbawa: Facebook, Online Blogs, Website