Pamamahala Sa Kalamidad Flashcards
Ayon Kay Carter (1992), ano Ang pamamahala sa kalamidad (Disaster Management)?
Ito ay Isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala na pagpaplano, lag-oorganisa, pagtukoy Ng mga kasapi, pamumuno, at pagkontrol.
Ayon Kay Ondiz at Rodito (2009), ano Ang pamamahala sa kalamidad (Disaster Management)?
Ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain binuo upang mapanatili Ang kaayusan sa panahon Ng sakuna, kalamidad, at hazard.
Ayon sa Red Cross Disaster Management Manual, ano Ang pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management)?
Ito ay Isang ahensya na may adminastratibong desisyon, at gawain patungkol sa bawat yugto Ng isang sakuna.
Mga termino at konspeto na mahalagang unawain upang higit na maintindihan Ang kahalagahan Ng Disaster Management, ayon sa isinalin sa Filipino mula sa Disaster Risk Management System Analysis: A Guide Book Nina Baas at mga Kasama (2008)
Termino
1. Hazard
2. Disaster
3. Vulnerability
4. Risk
5. Resilience
Ano Ang Hazard?
Banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng tao, na maaaring sanhi ng pinsala, buhay, ari-arian, at kalikasan. May dalawang uri ng hazard, ito ay ang
•Anthropogenic Hazard o Human-induced Hazard
- ito ay mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao. Halimbawa nito ay ang mga basura na itinatapon kung saan saan at maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika.
•Natural Hazard - ito naman ay mga hazard na dulot ng kalikasan. Halimbawa nito ay ang lindol, tsunami, landslide, at storm surge.
Ano Ang Disaster?
Mga pangyayari na nagdudulot ng pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Ito ay maaaring resulta ng hazard, vulnerability o kahinaan, at kawalan ng kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard.
Ano Ang Vulnerability?
Kahinaan ng tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang mga kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan ang kadalasang nakalimpluwensiya sa kahinaang ito. Halimbawa, mas vulnerable ang mga taong naninirahan sa paanan ng bundok at ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na materyales.
Ano Ang Risk?
Mga pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng isang kalamidad o sakuna. Ang mababang kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang panganib na dulot ng kalamidad ay nagiging dahilan ng mas mataas na pinsala. May dalawang uri ito, ang human risk at structural risk.
Ano Ang Resilience?
Kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring makita sa mga mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng kasanayan at kaalaman tungkol sa hazard ay isang paraan upang sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad. Maari ring estruktural na kung saan isinasaayos ang mga tahanan, gusali, o tulay upang maging matibay bago pa dumating ang isang kalamidad.