Pagkasira Ng Mga Likas Na Yaman Flashcards
Malaki Ang pakinabang na nakukuha Ng ating bansa mula rito. Maramijg Pilipino Ang kumimita sa direktang paggamit nito, tulad ng pagtatanim at pangingisda. Ito Rin and pinagmulan Ng mga hilaw na materyales na ginagamit sa pagbuo Ng mga produkto sa iba’t ibang pagawaan o pabrika.
Likas na yaman
Mga dahilan Ng Pagkasira Ng likas na yaman
- Paghahawan Ng kagubatan o Deforestation
- Pagmimina o Mining
- Pagku-quarry o Quarrying
Sa anong pananaliksik napatunayan ang mabilis na pagkaubos Ng kagubatan Ng Pilipinas?
Ayon sa lathalain na inilabas Ng Senado Ng Pilipinas na pinamagatang “Philippine Forests At a Glance” noong 2015
Ano Ang ipinakita Ng Philippine Forests at a Glance na inilatha noong 2015?
Na Ang kagubatan Ng Pilipinas ay sumaklaw Ng mahigit sa Kalahati (57%) na kabuuang kalupaan Ng bansa noong 1934. Noong 2010, ito ay mabawasan at naging 23% o mga 6.8 milyong ektarya na lamang.
Ano Ang deporestasyon ayon sa Food and Agriculture organization (FAO)?
Ang deporestasyon ay Ang pangmatagalan at permanenteng Pagkasira Ng kagubatan dulot Ng iba’t ibang gawain Ng tao.
Halimbawa at dahilan Ng deporestasyon
Illegal na pagtotroso, ilegal na pagmimina, migrasyon, mabilis na paglaki Na paglaki Ng populasyon at fuel harvesting.
Ano Ang maapektohan Ng deporestasyon?
Ang pagkaubos o pagkasira ng kagubatan ay may malaking epekto hindi lamang sa forest ecosystem kundi pati na rin sa iba pang ecosystem na may kaugnayan dito. Dahil sa pagkasira ng kagubatan, naging mas madalas ang mga pagbaha at pagguho ng mga bundok. Iniaanod ang mga lupa mula sa pagguho patungo sa mga daan, kabahayan, bukirin at sa iba’t-ibang anyong tubig. Ang paglala ng mga suliraning dulot ng climate change ay iniuugnay rin sa deporestasyon dahil sa epekto nito sa carbon cycle. Tumitindi ang init na nararanasan dahil wala nang punong nagbabalanse sa lamig at init. Ang mga mahihirap na umaasa sa kagubatan ang higit na apektado ng deforestation. Ang patuloy na paglit ng forest cover ay nagpapalit din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan.
Dahil sa patuloy na pagkasira ng kagubatan at iba pang pinangkukunang yaman, maraming batas ang ginawa upang matuldukan na ang mga ito. Maraming batas ang pinagtibay sa iba’t ibang panahon na may layuning pangalagaan ang likas na yaman ng ating bansa. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Probisyon
Mga Programa at Pagkilos Upang Mapangalagaan ang Yamang Likas:
- Batas Republika Bilang 2706
- Presidential Decree 705
- Batas Republika Bilang 7586 National Integrated Protected Areas System Act of 1992
- Batas Bilang 8749 Philippine Clean Air Act of 1999
- Batas Bilang 9072 - “National Caves and Cave Resources Management and Protection Act”
- Batas Republika Bilang 9147 - “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”
- Batas Republika Bilang 9175 - “The Chainsaw Act”
- Republic Act 8371 o “Indigenous People’s Rights Act” (IPRA)
- Proclamation No. 643
- Executive Order No. 23
- Executive Order No. 26
Ano Ang Batas Republika Bilang 2706
• Itinatag ang Reforestation Administration.
•Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa.
Ano Ang Presidential Decree 705?
Ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama ang pribadong sektor. Ipinagbawal din ang pagsasagawa ng sistema ng pagkakaingin.
Ano ang Batas Republika Bilang 7586 National Integrated Protected Areas System Act of 1992?
Idineklara ang ilang pook bilang national park kung saan ipinagbawal dito ang panghuhuli ng hayop, pagtotroso, at iba pang komersyal na gawain ng tao.
Ano Ang Batas Republika Bilang 8749 Philippine Clean Air Act of 1999?
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
Batas Republika Bilang 8749 Philippine Clean Air Act of 1999
Itinataguyod nito ang pagtugon sa suliranin sa polusyon sa hangin sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan at mga industriya.
Ano Ang Batas Republika Bilang 9072 - “National Caves and Cave Resources Management and Protection Act?
Layunin ng batas na ito na ingatan at protektahan ang mga kuweba at ang mga yaman nito bilang bahagi ng likas na yaman ng bansa.
Ano Ang Batas Republika Bilang 9147 “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”?
Binigyan proteksyon nito ang pangangalaga sa mga wildlife resources at sa kanilang tirahan upang mapanatili ang timbang na kalagayang ekolohikal ng bansa.
Ano Ang Batas Republika Bilang 9175 “The Chainsaw Act”?
•Ipinagbawal ng batas na ito ang paggamit ng chainsaw upang matigil ang ilegal na pagtotroso at iba pang gawaing nakasisira ng kagubatan.
• Ang batas na ito ay naglalayong protektahan at ingatan ang mga yamang gubat sa pamamagitan Ng tinatawag na Sustainable Forest Manangement (SFM).
Ano Ang Republic Act 8371 o “Indigenous People’s Rights Act” (IPRA)?
Batas na nagtataguyod at kumikilala sa karapatan ng mga katutubo at sa kanilang kontribusyon sa pangangalaga sa kapaligiran.
Ano Ang Proclamation No. 643?
•Ipinahayag ang June 25 bilang Philippines Arbor Day
•Hinakayat ang pakikiisa ng lahat ng ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, paaralan, NGO, at mga mamamayan upang makihalok sa pagtatanim ng puno.
Ano Ang Executive Order No. 23?
Ipinatigil ang pagputol ng puno sa natural at residual na kagubatan. Ipinag-utos din ang paglikha ng anti-llegal logging task force.
Ano Ang Executive Order No. 26?
Ipinahayag ang pangangailangan sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa National Greening Program.
Ano Ang pagmimina o Mining?
Gawain kung saan ang iba’t ibang mineral tulad ng metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at at pinoproseso upang gawaing tapos na produkto.
Saan maraming Minahan sa Pilipinas ayon sa 4th Philippine National Report to the Convention on Biological Diversity (2009)?
Sa mga key biodiversity areas tulad ng Palawan, Mindoro, Sierra Madre, at Mindanao matatagpuan ang 23 malalaking minahan sa bansa.
Sa kabila Ng mga benepisyong nakuha mula sa pagmimina ay amrmai itong masamang dulot sa kalikasan. Tulad ng?
Ang mga ilog, lawa, at iba pang anyong tubig ay nakokontamina at nalalason. Dahil sa kemikal na kumakalat sa mga ilog, nagkakaroon ng mga fishkill, katulad ng nangyari sa Leyte na sumira sa kabuhayan ng mga mangingisda.
Ang mga minahan sa mga lugar na may mataas na banta ng pagguho ay nagdudulot ng trahedya. Marami nang mga minahan ang gumuho na naging dahilan ng pagkamatay ng marami. Ang mga inabandonang minahan naman ay nagdudulot pa rin ng banta ng pagguho dahil nanatili pa rin itong nakatiwangwang at hindi naaayos.
Dahil sa Hindi mabuting epekto Ng pagmimina, nagpatulad Ng mga Batas para maiwasan Ang mga ito. Ang mga Batas tungkol sa pagmimina ay;
- Philippine Mining Act
- Executive Order No. 79
- Philippine Mineral Resources Act of 2012
Ano Ang Philippine Mining Act?
Ito ay naisabatas noong 1995 upang makapagbigay ng makabuluhang panlipunan at pangkapaligirang kaligtasan mula sa pagmimina kasama ang obligasyon ng mga industriyang nagsasagawa nito. Ang batas na ito ay nilikha upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.