Pap Flashcards
ang pag-unawa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa bilang aktibong kalahok sa proseso ng pagbasa na may dati ng kaalaman na nakaimbak sa kanyang isipan patungo sa teksto.
Top-down
ang pag-unawa ay nagsisimula sa teksto patungo sa mambabasa. ang pagkatuto ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik, salita, parirala, pangungusap at buong teksto bago pa man ang pagpapakahulugan.
Bottom-up
Ang pagbasa sa larangan ng pang-akademiko ay higit na _ at _
Masusi, masalimuot
Malaki at mahalaga ang ginagampanan ng pagbasa sa _
intelektwal na pag-iisip.
Ito ang nagsisilbing tulay upang ang dating kaalaman ay maidugtong natin sa kasalukuyanng karunungan, magsilbing gabay upang ang kamangmangan ng tao ay pangibabawan ng kagalingan. Nagsisilbing tanglaw din ito sa kaliwanagan upang matunton natin ang tamang landas ng buhay.
Pagbasa
masasabing isa sa mga mahahalagang kasanayang dapat matamo ng isang indibidwal
Pagbasa
Isang kognitibong proseso ng pagkuha, pagkilala, pag-unawa sa mga nakaimbak, nakasulat na impormasyon o ideya.
Pagbasa
Ayon sa kanya may apat na hakbang sa pagbasa
William Gray
Ano ang apat na hakbang sa pagbasa?
Pagkilala
Pag-unawa
Reaksyon
Asimilasyon
Kakayahan ito na mabigkas ang salita bilang makahulugang yunit at pagkilala ng mga nakalimbag sa simbolo o sagisag.
Pagkilala
Ito ay higit pa sa pag-unawa ng mga salita, pangungusap, o talata. Ito ay pagkilala sa pagkakaugnay ng mga salita sa kapwa salita, sa isang pangungusap, ng mga pangungusap sa talata sa isang pahayag.
Pag-unawa
Isang Americanong edukador at manunulat na masasabing may malaking ambag sa larangan ng pagbasa at edukasyon. Isang kilalang propesor, may-akda, at tagapagsalita na naging mahalaga bahagi ng pag-unlad ng mga pamamaraan sa pagtuturo ng pagbasa.
William S. Gray
Kakayahan itong humusga o magpasaya ng kawastuhan ng binasa gayon din ng kahusayan, pagpapahalaga, at pagdama sa mga isinulat ng may-akda.
Reaksyon
Kakayahan ito sa pagsasama-sama at paguugnay-ugnay ng mga nakaraang kaalaman patungo sa kasalukuyan
Asimilasyon
ito ay babasahing nagtataglay ng mahahalagang detalye sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. Ito ay nakalimbag na simbolong nagbibigay ng kahulugan sa pagbasa.
Teksto
_________ at __________ ang pagbabasa ng teksto kapag ito ay masusing nauunawaan ng mambabasa
Mahalaga at makabuluhan
Nasusuri niya ang mensahe ng awtor na nais nitong maipabatid sa mambabasa sa pamamagitan ng kanyang akda.
Matalinong mambabasa
Ang teksto ay kinakailangan na?
Maging malinaw
May tamang impormasyon
May pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya
May organisasyon
Sumusunod sa kombensyon
Natatalakay nang ganap Ang paksa
Ang teksto ay nagbibigay daan sa?
- Pagpapalitan ng kaisipan, emosyon, at kaalaman.
- Pagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon o Datos.
- Maayos na pagkakasulat at pagkakasunod ng mga impormasyon.
- Pagpapahiwatig ng mga diwa at kaisipan.
Ito ay anumang bagay na maaaring maging”basahin”, maging isang trabaho ng panitikan, isang street sign, o mga estilo ng pananamit.
Teksto
Mga babasahing ginagamit sa pag-aaral ng iba’t ivang desiplina tulad ng Sosyolohiya, Ekonomiks, Sining ng komunikasyon at iba pa.
Tekstong Akademik
Isinulat ng isang taong may kahusayan at kasanayan sa isang larangan na naglalayong mabasa at mapag-aralan ng iba Ang mga impormasyon nakalahad dito.
Tekstong Propesyonal
Ano ang tawag sa mga babasahing ginagamit sa pag-aaral ng iba’t ibang disiplina tulad ng agham panlipunan, agham, teknolohiya, at matematika, at humanidade
Tekstong Akademik
Hinuhubog ng tekstong (Akademik) na maging _______ at ________ ang pag-aanalisa sa bagay.
Konkreto at batay sa katotohanan
Katangian ng Tekstong Propesyonal ay?
- Hindi maligoy Ang tapik o paksa
- Komprehensibo Ang pagkakapaliwanag
- Organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya
- Mayaman sa mga impormasyon
- Bunga ng masusing pag-aaral
- Inuugnay sa mga naging karanasan ng isang tao.
Ito Ang bahaging nangangailangan ng maayos at mapagganyak na simulain upang lalong ipagpatuloy ng mambabasa Ang pagbasa.
Panimula
Ito ay nagpapakilala sa bahagi ng teksto sa paksa at tesis.
Panimula
Bahagi ng panimula na magbibigay ng saysay sa isang bubuuing teksto.
Paksa
Lagom ng pananaliksik sapagkat dito inilalahad ang pagtalakay ng paksa sa isang teksto o sanaysay.
Tesis na pahayag
Ito Ang pinakamahalagang bahagi ng teksto.
Katawan