Pagbasa at Pagsusuri Flashcards
pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso, at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal ng kahulugan, implikasyon at retorikal na ugnayan ng isang akda
Intensibong pagbasa
may kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales
Ekstentibong pagbasa
mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesikong impormasyon; kinapapalooban ito ng bilis at talaga ng mata sa paghahanap
Scanning
mabilisang pagbabasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto; nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon
Skimming
pinakamababang antas ng pagbasa; pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa
Primarya
nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng impresyon dito
Mapagsiyasat
mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto
Analitikal
pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t-ibang teksto
Sintopikal
binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap ng teksto
Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
bumubuo ang mambabasa ng mga imahen sa kaniyang isip habang nagbabasa
Biswalisasyn ng binabasa
pagpapayaman ng ugnayan sa pgitan ng teksto ay imbak na kaalaman upang matiyak ang komprehensiyon
Pagbuo ng koneksiyon
bumuo ng mga pahiwatig at konklusyon sa kalalabasang ng teksto
Paghihinuha
pagtukoy sa posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga hakbang upang masolusyunan ito
Pagsubaybay sa komprehensiyon
muling pagbasa ng isang bahagi o kabuoan ng teksto kung kinakailangan kapag hindi ito naunawaan
Muling pagbasa
alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar ba salita
Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto